Pagkakahawa
Ang impeksiyon[1](mula sa kastila infección), lalin[1], lanip[1], hawa[1], o pagkakahawa[1] ay ang pagpasok ng mikroorganismo sa loob ng mga lamuymoy o tisyu ng katawan, kasama ang paglaki ng buhay na mga organismong ito habang nasa loob ng katawang pinasok o nahawahan. Isa ring kakayanan ang paghawa na maipasa, makapagpasa, o mailipat ang mga sakit o mikrobyong nagdurulot ng karamdaman mula sa isang tao papunta sa isa o iba pang tao sa pamamagitan ng pagkalat ng mga nasabing mikrobyo o mikroogranismo.[2] Tumutukoy din ang salitang ito sa mismong mikroorganismo o maruming bagay na nagdurulot ng pagkakahawa ng sakit o karamdaman.[1]
Isa sa maraming paraan ng paghawa o paglaganap ng impeksiyon ang sa pamamagitan ng "maliit na patak" (ang droplet infection o droplet contact sa Ingles), kung saan ang isang taong may nakakahawang sakit ang umuubo, bumabahing, dumudura (o lumulura), o nagsasalita lamang, ay nakapagwiwisik o nakapagwiwilig (nag-i-isprey) ng pamamasa sa hangin. Nakahalo sa mga "maliliit na tulo" o "maliliit na patak" na ito ang mga mikrobyo ng karamdaman, kaya't nasisinghot o nalalanghap ng sinumang taong malapit ang mga mikrobyong ito.[2]
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Gaboy, Luciano L. Infection - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 "Infection, Droplet infection, at Contagious, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 206.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.