Iti

Ang iti o pag-iiti[1], kilala rin bilang pagtatae ng dugo, disinterya o disinteria, bulaod, at pagbubulos[2] (Ingles: dysentery[1][2], dating kilala bilang flux at bloody flux) , ay isang karamdamang kinasasangkutan ng matinding pagtatae. Sanhi ito ng isang bakteryum na nagdurulot ng labis na pamamaga ng mga bituka. Pangunahing tanda o sintomas nito ang pagkakaroon ng dugo sa tae, at karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng mga antibiyotiko. Isang disorden o kawalang kaayusan ng sistema ng dihestiyon na nagreresulta nga sa sobrang diyareya na naglalaman ng mukus at dugo sa tae.[3] Kapag hindi nilunasan, maaari at karaniwan itong nagiging nakamamatay. Pangkaraniwan ito noong maagang mga araw ng mga kolonya ng Bagong Mundo.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Dysentery". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{cite ensiklopedya}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Dysentery Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Dysentery - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Dysentery sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.