Juan Sebastián Elcano
Si Juan Sebastián Elcano (minsan maling binaybay na del Cano;[1] 1486 o 1487 – Agosto 4, 1526) ang namuno sa natitirang barko ni Fernando de Magallanes kaya't nakumpleto niya ang makasaysayan at pinakaunang sirkumnabigasyon ng mundo noong 1522. Isinilang sa Getaria, sa lalawigan ng Guipúzcoa sa Basque, Kaharian ng Castile, na bahagi na ngayon ng Espanya). Isa siyang Baskong (Kastilang) nabigador. Namatay siya habang nasa Karagatang Pasipiko, noong muli siyang maglakbay bilang isa sa mga itinalagang kapitan ng barko ng Ekspedisyong Loaísa (nagsimula 1525). Sa biyaheng ito, kasamang kapitan niya si García Jofre de Loaísa at nagkaroon sila ng pitong barkong pinaglayag para angkinin ang Kapuluang Spice (Kapuluang Maluku, Kapuluang Molukas o Kapuluang Moluccas) para kay Carlos I ng Espanya. Kapwa namatay si Elcano at Loaísa, kasama ang iba pang mga mandaragat dahil sa malnutrisyon habang nasa Karagatang Pasipiko. Narating ng mga nananatiling-buhay ang kanilang layuning pook subalit iilan lamang ang nakabalik sa Espanya - ang ikalawang sirkumnabigasyon sa kasaysayan matapos ang kay Elcano. Kilala rin siya bilang Juan Sebastián de Elcano.[2]
Mga sanggunian
Talababa
- ↑ Karnow, Stanley (1989). "Juan Sebastián del Cano". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.
- ↑ Juan Sebastián de Elcano, Hispanos Famosos, Coloquio.com
Mga kawing na panlabas
- Juan Sebastián de Elcano (Ingles)
- Auñamendi Encyclopedia: Elcano, Juan Sebastián de (Kastila)
- Last will and testament of Sebastian Elcano Naka-arkibo 2008-05-26 sa Wayback Machine. (buong teksto)