Tokyo
Tokyo 東京 | |||
---|---|---|---|
東京都 · Kalakhang Tokyo | |||
Mula sa bandang kaliwa sa itaas: Shinjuku, Tore ng Tokyo, ang Tulay na Bahaghari, Shibuya, Gusali ng Pambansang Diet | |||
| |||
Lokasyon ng Tokyo sa Hapon | |||
Satellite photo of Tokyo's 23 Special wards taken by NASA's Landsat 7 | |||
Mga koordinado: 35°41′N 139°41′E / 35.683°N 139.683°EMga koordinado: 35°41′N 139°41′E / 35.683°N 139.683°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Kantō | ||
Pulo | Honshū | ||
Divisions | 23 special wards, 26 cities, 1 district, & 4 subprefectures | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Kalakhan | ||
• Gobernador | Yuriko Koike | ||
• Kabisera | Shinjuku | ||
Lawak (ranked 45th) | |||
• Kabuuan | 2,187.08 km2 (844.44 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1st) | |||
• Kabuuan | 12,790,000 | ||
• Kapal | 5,847/km2 (15,140/milya kuwadrado) | ||
• 23 Wards | 8,653,000 | ||
(1 Enero 2009) | |||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
ISO 3166-2 | JP-13 | ||
Bulaklak | Somei-Yoshino cherry blossom | ||
Puno | Ginkgo tree (Ginkgo biloba) | ||
Ibon | Black-headed Gull (Larus ridibundus) | ||
Websayt | metro.tokyo.jp(sa Ingles) |
Ang Tokyo (東京 Tōkyō; "Silangang Kabisera"), opisyal na tinatawag na Prepektura ng Tokyo o Kalakhang Tokyo (東京都 Tōkyō-to),[1] ay isa sa 47 prepektura ng Hapon, at nagsisilbi bilang kabisera ng buong bansa. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng pangunahing pulo ng Honshū at kasama ang mga kapuluang Izu at Osagawara. Ang Kalakhang Tokyo ay nabuo noong 1943 mula sa pagsasama ng dating Prepektura ng Tokyo (Tokyo-fu) at ng Lungsod ng Tokyo. Pinamamahalaan ng pamahalaan ng Kalakhang Tokyo ang dalawampu't tatlong mga natatanging purok ng Tokyo, ang bawat isa ay pinamamahalaan bilang isang lungsod, na sumasakop sa dating lungsod ng Tokyo at pati ang 39 mga bayan sa kanlurang bahaig ng prepektura at ang dalawang pangkat ng mga pulo.
Ang populasyon ng mga natatanging purok ay nasa higit 8 milyong katao, na may kabuuang populasyon para sa buong prepektura na hihigit sa 13 milyon. Kasama ang mga lugar na palibot dito, ang Kalakhang Tokyo ay ang pinakamalaking kalakhan sa Hapon, na may higit 30 milyong katao.
Etimolohiya
Orihinal na kilala bilang Edo ang Tokyo, na nangangahulugang wawa.[2] Binago ang pangalang ito bilang Tokyo (Tōkyō: tō (silangan) + kyō (kabisera)) nang ito ay maging kabisera ng imperyo noong 1868, na inayon sa kaugaling Silangang Asyanong pagdadagdag ng salitang kabisera ('京') sa mga kabiserang lungsod.[2] Noong unang bahagi ng Panahong Meiji, ang lungsod ay tinawag ding "Tōkei", isang alternatibong pagbigkas sa katulad na kanji na kumakatawan sa "Tokyo". May iilang mga nalalabing mga dokument sa wikang Ingles ang may baybay na "Tokei".[3] Subalit ang pagbigkas na ito ay hindi na ginagamit ngayon.[4]
Tala ng mga bayan
Lungsod ng Tokyo
Rehiyon ng Tama
Lungsod
Distrito ng Nishitama
Mga pulo
Mga sanggunian
- ↑ "Geography of Tokyo". Tokyo Metropolitan Government. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-11-08. Nakuha noong 2008-10-18.
- ↑ 2.0 2.1 Room, Adrian. Placenames of the World. McFarland & Company (1996), p360. ISBN 0-7864-1814-1.
- ↑ Waley, Paul (2003). Japanese Capitals in Historical Perspective: Place, Power and Memory in Kyoto, Edo and Tokyo. Routledge. p. 253. ISBN 070071409X.
- ↑ "明治東京異聞~トウケイかトウキョウか~東京の読み方" Tokyo Metropolitan Archives (2008). Retrieved on 13 September 2008. (sa Hapones)