Kartel

Ang kartel (Ingles: cartel) ay isang pormal (hayagang) kasunduan sa mga magkakatunggaling kompanya (firm). Ito ay isang pormal na organisasyon ng mga prodyuser at manupakturer na nagkakasundong manipulahin ang mga presyo, pagtitinda at produksiyon. Ang mga kartel ay karaniwang nangyayari sa mga oligopolistikong mga industriya kung saan may isang maliit na bilang mga tagatinda at karaniwan ay sumasangkot sa isang parehong mga produkto. Ang mga kasapi ng kartel ay maaaring magkasundo sa mga bagay gaya ng pagmamanipula ng presyo, kabuuang output ng industriya, bahagi ng pamilihan, alokasyon ng mga kustomer, alokasyon ng mga teritoryo, pagmamanipula ng alok, pagtatatag ng isang karaniwang mga ahensiya ng benta at paghaharti ng mga tubo (profits) o kombinasyon ng mga ito. Ang layunin ng gayong kolusyon (na tinatawag ring kasunduang kartel) ay dagdagan ang tubo ng mga indibidwal na kasapi nito sa pamamagitan ng pagpapaliit ng kompetisyon.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.