Konbolusyon
Sa matematika (lalo sa pagsusuring pangbunin), ang konbolusyon (mula Kastila convolución, Ingles: convolution) ay ang operasyon sa dalawang bunin na f at g, na naglalarawan sa kung papaano binabago ng isang hugis ang isa pang hugis. Sa pormal na kahulugan, ito ang integral ng produkto ng dalawang bunin matapos baligtarin at ilipat (shift) ang isa sa mga ito. Nagagawa ang bunin ng konbolusyon sa pamamagitan ng pagkuha sa integral para sa lahat ng mga halaga ng paglilipat.
Ginagamit ang konsepto ng kobolusyon sa mga larangan ng probabilidad, estadistika, akustika, ispektroskopyo, pagpoproseso sa signal at larawan, inhenyeriya, pisika, paningin pangkompyuter, at tumbasang diperensiyal.[1]
Ang operasyong nagbabaligtad sa konbolusyon ay tinatawag na dekonbolusyon.
Sanggunian
- ↑ Bahri, Mawardi; Ashino, Ryuichi; Vaillancourt, Rémi (Disyembre 3, 2013). "Convolution Theorems for Quaternion Fourier Transform: Properties and Applications" [Mga Teorema sa Konbolusyon para sa Kwartenyon na Pagbabagong Fourier: Mga Katangian at Paggamit] (PDF) (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 24, 2021.
{cite journal}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.