Maulang_gubat

Ang Maulang Gubat ng Daintree sa Queensland, Australya.

Ang maulang gubat (rainforest sa Ingles) ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan. Ang pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada). Ang monsoon trough, mas kilala bilang intertropical convergence zone, ay may malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ng Mundo.

Mula 40 hanggang 75% ng lahat ng uri sa Mundo ay katutubo sa mga maulang gubat.[1] Tinatayang milyon-milyong mga uri ng halaman, kulisap at mikroorganismo ang hindi pa natutuklasan. Ang mga tropikal na maulang gubat at tinatawag na "Hiyas ng Mundo" at "ang pinakamalaking parmasya", dahil sa dami ng mga likas na gamot na natuklasan dito.[2] Ang mga mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28% ng lahat ng oksiheno ng mundo,[3] sa pamamamagitan ng potosintesis mula sa karbong dioksido.

Ang halamang tumutubo sa silong ng kagubatan sa mga maulang gubat ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng araw sa antas ng lupa. Dahil dito ay posibleng maglakad sa loob ng kagubatan. Kung ang tabing ng mga dahon ay nasira o nabawasan, ang lupa ay kaagad tinutubuan ng mga makapal na mga baging, palumpong, at maliliit na mga punong matatawag bilang isang kasukalan sa Ingles. May dalawang uri ng maulang gubat, ang tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

Mga sanggunian

  1. "Rainforests.net - Variables and Math". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-12-05. Nakuha noong 2009-01-04.{cite web}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rainforests at Animal Center
  3. "Killer Inhabitants of the Rainforests". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-01-22. Nakuha noong 2009-03-09.{cite web}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.