Melanesya
Ang Melanesia o Melanesya ay isang rehiyon na matatagpuan sa timog ng Micronesia, kanluran ng Polynesia, hilagang-silangan ng Australya, at silangan ng Kapuluang Malay. Ito ay matatagpuan sa bandang timog-kanlurang bahagi ng Pasipiko. Ang mga pangunahing bahagi nito ay ang Bagong Ginea, Bagong Kaledonya, Fiji, Kapuluang Solomon, at Vanuatu.
Ang katauhan sa Melanesya ay ang tinatawag na mga melanesyan.
Etimolohiya
Ang pangalang Melanesia ay nagmula sa salitang Griyegong μέλας (mélas) na ang ibig-sabihin ay "itim", at νῆσος (nísos) na ang ibig-sabihin naman ay "isla", na nangangahulugang "mga isla ng itim [na mga tao]"[1], bilang pantukoy sa maitim na balat ng mga naninirahang tao rito.
Mga Sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Pasilip ng sanggunian
- ↑ "Introduction", Science, Voyages, and Encounters in Oceania, 1511-1850, Palgrave Macmillan, nakuha noong 2024-01-30