Microprocessor
Ang microprocessor (pagbigkas: may•kro•pro•se•sor) ay isang kompyuter processor na ginagawa ang trabaho ng central processing unit (CPU) ng kompyuter sa isa o higit sa isang integrated circuit (IC). Ang microprocessor ay aparato na maraming gamit at maaaring maiprograma na nagtatanggap ng digital na datos na input, pinoproseso ito ayon sa mga instruksiyon na naka-imbak memory nito, at nagbibigay ng resulta na output. Isa siyang halimbawa ng nanggagalaing digital na lohika dahil mayroon itong kaloobang memory. Ang microprocessor ay nag-oopera sa mga numero at simbolo na inererepresenta sa binary numeral system.
Ang pagsasama ng buong CPU sa isa o higit sa isang chip ay pinapababa ang halaga ng lakas ng pamproseso. Ang integrated circuit processor ay maramihan na ginawa sa pamamagitan ng mga prosesong hindi gaanong nangangailangan ng pantaong lakas para mababa lang ang halaga. Ang mga single-chip na processor ay mas maaasahan dahil mas kaunti ang pwedeng pumalpak na elektrikal koneksyon. Habang bumibilis ang disenyo ng mga maykroprosesor, ang halaga ng isang chip (na mas maliit ang piyesa) ay hindi nagbabago.
Bago nagkaroon ng microprocessor, ang mga maliliit na kompyuter ay isakatuparan gamit ang patong patong na mga circuit board na mayroong madaming katamtaman at maliliit na integrated circuits. Pinagsama ng mga microprocessor ang mga ito sa isa o higit sa isang malalaking IC. Ang tuluyang pagtaas ng kapasidad ng microprocessor ay ginawang laos ang mga ibang klase ng kompyuter (tingnan ang kasaysayan ng computing hardware), kasama ang isa o higit pa na microprocessor na ginagamit sa mga pinakamaliit na embedded systems at nadadala na aparato hanggang sa pinakamalalaking mainframes at supercomputer.