Miss World 1988

Miss World 1988
Petsa17 Nobyembre 1988
Presenters
  • Peter Marshall
  • Alexandra Bastedo
Entertainment
  • Koreana
  • Donny Osmond
PinagdausanRoyal Albert Hall, Londres, Reyno Unido
BrodkasterThames Television
Lumahok84
Placements10
Bagong saliBulgarya
Hindi sumali
  • Brasil
  • Panama
  • San Vicente at ang Granadinas
Bumalik
  • Ehipto
  • Gana
  • Guyana
  • Kapuluang Birheng Britaniko
  • Liberya
  • Sierra Leone
  • Taywan
  • Uganda
NanaloLinda Pétursdóttir
Iceland Lupangyelo
PersonalityHelena Isabel Laureano
 Portugal
PhotogenicMariluz Aguilar
Guatemala Guwatemala
← 1987
1989 →

Ang Miss World 1988 ay ang ika-38 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 17 Nobyembre 1988.[1][2]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Ulla Weigerstorfer ng Austrya si Linda Pétursdóttir ng Lupangyelo bilang Miss World 1988.[3][4] Ito ang pangalawang beses na nanalo ang Lupangyelo bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Yeon-hee Choi ng Timog Korea, habang nagtapos bilang second runner-up si Kirsty Roper ng Reyno Unido.[5][6]

Mga kandidata mula sa walumpu't-apat na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito.[7][8] Pinangunahan nina Peter Marshall at Alexandra Bastedo ang kompetisyon.[9][10] Nagtanghal ang bandang Koreana at si Donny Osmond sa edisyong ito.

Kasaysayan

Royal Albert Hall, ang lokasyon ng Miss World 1988

Lokasyon at petsa

Tatlong bansa ang kinunsidera ng mga Morley upang idaos ang mga paunang aktibidad para sa kompetisyon; ito ay ang mga bansang Espanya, Irlanda, at Singapura.[11][12] Kalaunan ay napagdesisyunan ni Eric Morley na idaos ang mga paunang aktibidad sa Espanya, na nagbayad ng £ 200,000 mula sa Costa del Sol Tourism Office at Air Europa para sa mga venue fee.[13][14]

Noong Hunyo 1988, nagkaroon ng kasunduan ang Miss World Group na nagkakahalaga ng £ 13.5 milyon para sa pagsasanib ng kumpanya sa independiyenteng istasyon ng radyong Scottish na Red Rose, sa direksyon ni Owen Oyston, kung saan si Morley ang magiging pangulo. Naganap ang pagsasanib noong Agosto 1988.[15]

Pagpili ng mga kalahok

Mga kandidata mula sa walumpu't-apat bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at anim na kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok. Sa edisyong ito, pinayagan na rin ang mga kandidata mula sa Silangang Bloke na lumahok sa kompetisyon.[16][17][18]

Mga pagpalit

Dapat sanang lalahok si Miss Germany 1988 Andrea Stelzer, ngunit dahil mayroon itong pagkamamamayan sa Timog Aprika,[19][20] siya ay pinalitan ng kanyang runner-up na si Katja Munch upang kumatawan sa Alemanya. Dapat sanang lalahok si Miss Spain 1988 Eva Pedraza sa edisyong ito,[21] ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan siya ay pinalitan ng kanyang runner-up na si Susana de la Llave. Lumahok si Pedraza sa susunod na edisyon.

Dapat sanang lalahok si Dolly Minhas ng Indiya sa edisyong ito, ngunit matapos matuklasang may Amerikanong pasaporte ang kanilang kandidata sa Miss Universe na si Kalpana Pandit, nadiskwalipika si Pandit at kinailangan siyang palitan ni Minhas.[22][23] Dahil dito, pinalitan ni Anuradha Kottoor si Minhas bilang kinatawan ng Indiya. Dapat sanang lalahok sina Jannette Hamui ng Mehiko at Nandy Hendrikx ng Olanda,[24][25] ngunit matapos nilang bumitiw dahil sa hindi isiniwalat na mga dahilan, pinalitan sila ni Cecilia Cervera at Angela Visser ayon sa pagkakabanggit.

Dapat din sanang lalahok si Miss France 1988 Sylvie Bertin sa edisyong ito, ngunit matapos tumangging lumahok sa Miss Universe at Miss World, pinalitan siya ni Claudia Frittolini upang lumahok sa mga nabanggit na kompetisyon.[26][27][28]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Bulgarya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Ehipto na huling sumali noong 1956, Taywan na huling sumali noong 1964 bilang Republika ng Tsina,[29] Gana na huling sumali noong 1968, Guyana na huling sumali noong 1971, Liberya at Uganda na huling sumali noong 1985, at Kapuluang Birheng Britaniko at Sierra Leone na parehong huling sumali noong 1986.

Hindi sumali ang mga bansang Brasil, Panama, at San Vicente at ang Granadinas sa edisyong ito. Dahil nagkaroon ng sakit ang may-hawak ng prangkisa ng Brasil sa Miss World, iniluklok si Elizabeth Ferreira da Silva ng Club Ilha Porchat, na siyang nagpapadala ng mga kandidata ng Brasil sa Miss International, sa Miss World. Gayunpaman, hindi sumulpot sa Londres si da Silva dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi rin sumali si Judy Charles ng San Vicente at ang Granadinas dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[30] Hindi sumali ang Panama matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga resulta

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1988 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1988
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

Kontinente Kandidata
Aprika
Asya
Europa
Kaamerikahan
Oseaniya

Mga espesyal na parangal

Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Mula sa labindalawa noong nakaraang taon, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview.[35] Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.[36] Pagkatapos nito, limang kandidata ang hinirang bilang Continental Queens of Beauty, at hinirang pagkatapos ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.[37]

Komite sa pagpili

  • Richard Birtchnell – Direktor ng Burton Group Promotions
  • Rob Brandt – Direktor ng Walters International Computers
  • Angelo Carazzo – Pangulo ng Costa del Sol Tourism Board
  • Lindka Cierach – Tagadisenyong Ingles
  • Dr. Reita Faria – Miss World 1966 mula sa Indiya
  • Khadija Adam Ismail – Kenyanang modelo at Miss World Kenya 1984
  • James Kimber – Estilistang Ingles at tagapangulo ng UK Kimber Group
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Kimberly Santos – Miss World 1980 mula sa Guam

Mga kandidata

Walumpu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Katja Munch 19 Francfort del Meno
Arhentina Arhentina Gabriela Madeira[38] 19 Buenos Aires
Australya Catherine Bushell[39] 21 Sydney
Austria Austrya Alexandra Werbanschitz[40] 21 Graz
New Zealand Bagong Silandiya Lisa Corban 19 Waikato
Bahamas Bahamas Natasha Rolle 21 Nassau
Barbados Barbados Ferida Kola 20 Bridgetown
Belhika Belhika Daisy van Cauwenbergh[41] 19 Limbourg
Belize Belis Pauline Young 19 Lungsod ng Belis
Venezuela Beneswela Emma Rabbe[42] 19 La Guaira
Bermuda Bermuda Sophie Cannonier[43] 19 Warwick East
Bulgaria Bulgarya Sonia Vassilieva[44] 19 Varna
Bolivia Bulibya Claudia Nazer[38] 24 Tarija
Curaçao Curaçao Anuschka Cova[45] 19 Willemstad
Denmark Dinamarka Susanne Johansen 24 Copenhague
Egypt Ehipto Dina El Naggar 20 Giza
Ecuador Ekwador Cristina López[46] 20 Guayaquil
El Salvador El Salvador Karla Hasbún 17 San Salvador
Espanya Espanya Susana de la Llave[46] 19 Figueres
Estados Unidos Estados Unidos Diana Magaña[47] 23 Rancho Palos Verdes
Ghana Gana Dzidzo Amoa[33] 23 Volta
Greece Gresya Ariadni Mylona 19 Chania
Guam Guam Rita Mae Pangelinan 23 Windward Hills
Guatemala Guwatemala Mariluz Aguilar[46] 18 Lungsod ng Guatemala
Guyana Guyana Christine Jardim[48] 20 Georgetown
Jamaica Hamayka Andrea Haynes[49] 24 Kingston
Hapon Hapon Kazumi Sakikubo 22 Kobe
Gibraltar Hibraltar Tatiana Desoiza 23 Hibraltar
Honduras Honduras Alina Díaz 19 Choluteca
Hong Kong Michelle Reis[50] 18 Kowloon
India Indiya Anuradha Kottoor[51] 22 Bombay
Irlanda (bansa) Irlanda Collette Jackson[52] 22 Coolock
Israel Israel Dganit Cohen[53] 18 Tel-Abib
Italya Italya Giulia Gemo[54] 18 Modena
Canada Kanada Morgan Fox[55] 18 Richmond
Samoa Kanlurang Samoa Noanoa Hill 17 Apia
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Nelda Farrington[56] 22 Tortola
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Cathy Mae Sitaram 19 St. Croix
Cook Islands Kapuluang Cook Annie Wigmore 17 Titikaveka
Cayman Islands Kapuluang Kayman Melissa McTaggart 23 Grand Cayman
Turks and Caicos Islands Kapuluang Turks at Caicos Doreen Dickenson 20 Grand Turk
Kenya Kenya Dianna Naylor[33] 21 Mombasa
Colombia Kolombya Jasmín Oliveros[57] 20 Bahía Solano
Costa Rica Kosta Rika Virginia Steinvorth[58] 19 San José
Lebanon Libano Sylvana Samaha 19 Beirut
Liberia Liberya Ollie White[59] 19 Nimba
Luxembourg Luksemburgo Chantal Schanbacher 22 Altrier
Iceland Lupangyelo Linda Pétursdóttir[60] 18 Vopnafjörður
Makaw Helena Lo Branco 19 Makaw
Malaysia Malaysia Sue Wong[61] 19 Penang
Malta Malta Josette Camilleri 21 Marsa
Mauritius Mawrisyo Véronique Ash[62] 21 Beau Bassin
Mexico Mehiko Cecilia Cervera 20 Lungsod ng Mehiko
Niherya Niherya Omasan Buwa[63] 22 Warri
Norway Noruwega Rita Paulsen[64] 21 Myrvoll
Netherlands Olanda Angela Visser[65] 21 Rotterdam
Papua New Guinea Papuwa Bagong Guniya Erue Taunao 19 Port Moresby
Paraguay Paragway María José Miranda[66] 19 Asunción
Peru Peru Martha Kaik 21 Lima
Pilipinas Pilipinas Dana Narvadez[67] 19 Manila
Finland Pinlandiya Nina Andersson[68] 21 Lahti
Poland Polonya Joanna Gapinska[69] 20 Szczecin
Portugal Portugal Helena Laureano[70] 20 Sesimbra
Pransiya Pransiya Claudia Frittolini[71] 20 Illzach
 Pulo ng Man Victoria O'Dea 17 Douglas
Republikang Dominikano Republikang Dominikano María Josefina Martínez[72] 21 San Ignacio de Sabaneta
United Kingdom Reyno Unido Kirsty Roper[73] 17 Staffordshire
Saint Kitts and Nevis San Cristobal at Nieves Hailey Cassius 21 Newtown
Sierra Leone Sierra Leone Tiwilla Ojukutu[74] 21 Freetown
Singapore Singapura Shirley Teo[75] 23 Singapura
Sri Lanka Sri Lanka Michelle Koelmeyer 18 Colombo
Eswatini Suwasilandiya Thandeka Magagula[76] 22 Manzini
Suwesya Suwesya Cecilia Hörberg 22 Gothenburg
Switzerland Suwisa Karina Berger[77] 20 Zurich
Thailand Taylandiya Paphassara Chutanupong[78] 18 Bangkok
Taiwan Taywan Wu Yi-ning[79] 17 Taipei
Timog Korea Timog Korea Choi Yeon-hee[80] 22 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Wendy Baptiste 19 Arouca
Chile Tsile María Francisca Aldunate[81] 22 Santiago
Cyprus Tsipre Aphrodite Theophanous 18 Paphos
Turkey Turkiya Esra Sumer[82] 19 Istanbul
Uganda Uganda Nazma Jamal Mohamed[83] 20 Entebbe
Uruguay Urugway Gisel Silva Sienra 19 Montevideo
Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia Yugoslavia Suzana Žunić[84] 17 Split

Mga tala

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

  1. "Bodybuilder crowned Miss World". Observer-Reporter (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1988. p. 20. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  2. 2.0 2.1 "The new Miss World". New Straits Times (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1988. p. 7. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  3. "Bodybuilder crowned Miss World". Observer-Reporter. 19 Nobyembre 1988. pp. B6. Nakuha noong 31 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  4. "Bodybuilder named Miss World". Lawrence Journal-World (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1988. p. 13. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  5. "Miss Iceland wins world beauty contest". The Indian Express (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1988. p. 13. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  6. "Iceland contestant new Miss World". Gadsden Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1988. p. 4. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  7. "Miss World". Spokane Chronicle (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1988. p. 4. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  8. "She's a winner". Times Daily (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 1988. p. 2. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  9. "Thursday Television Guide". Evening Times (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1988. p. 14. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  10. "Alexandra Bastedo: Actress best known for her role in the 1960s television sci-fi series The Champions dies". The Independent (sa wikang Ingles). 13 Enero 2014. Nakuha noong 7 Disyembre 2024.
  11. Lim, Michael (16 Mayo 1988). "S'pore won't host part of Miss World pageant". The Straits Times (sa wikang Ingles). p. 11. Nakuha noong 17 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  12. "S'pore asked to vie tor swimsuit segment of Miss World". The Straits Times (sa wikang Ingles). 12 Pebrero 1988. p. 22. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  13. "Asia's Miss World hopefuls". The Straits Times (sa wikang Ingles). 4 Nobyembre 1988. p. 6. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  14. "Þokkadísir á Spáni" [Charms in Spain]. Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 3 Nobyembre 1988. p. 28. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.
  15. Kelso, Paul (8 Disyembre 1999). "Millionaire rapist Owen Oyston released on parole". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 7 Disyembre 2024.
  16. "Moscow, Beijing may join Miss World show". The Straits Times (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 1988. p. 5. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  17. "Miss World turns red". Evening Times (sa wikang Ingles). 14 Hulyo 1988. p. 2. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  18. "Soviets and Chinese may enter World contest". New Straits Times (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 1988. p. 6. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  19. "Miss South Africa gives up pageant". News-Journal (sa wikang Ingles). 20 Mayo 1985. p. 2. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  20. "Miss South Africa is out". Singapore Monitor (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). 20 Mayo 1985. p. 8. Nakuha noong 15 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  21. Tomás, Helena (5 Hulyo 2022). "Eva Pedraza, de su matrimonio con un actor de éxito a su paso por la política" [Eva Pedraza: from her marriage to a successful actor to her time in politics]. El Confidencial (sa wikang Kastila). Nakuha noong 9 Hunyo 2023.
  22. "50 years of Miss India: Winners through the years". The Times of India (sa wikang Ingles). 25 Marso 2013. Nakuha noong 16 Disyembre 2022.
  23. "The curse of Miss India Crown on two sisters". India TV (sa wikang Ingles). 24 Setyembre 2013. Nakuha noong 7 Disyembre 2024.
  24. "Miss Holland past klompen" [Miss Holland tries on clogs]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 24 Setyembre 1988. p. 7. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  25. "Miss Holland naar World én Universe verkiezing" [Miss Holland to World and Universe election]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 5 Oktubre 1988. p. 7. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  26. Perflinker, Rita (13 Enero 2021). "Sylvie Bertin victime d'un grave accident : Miss France 1988 raconte son expérience de mort imminente - Voici" [Sylvie Bertin victim of a serious accident: Miss France 1988 recounts her near-death experience]. Voici (sa wikang Pranses). Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
  27. Dabri, Laia (13 Enero 2021). "Une ancienne Miss France victime d'un grave accident, "violemment percutée par une voiture"" [A former Miss France victim of a serious accident, "violently hit by a car"]. Purepeople (sa wikang Pranses). Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
  28. "Miss France: à chaque Miss son scandale" [Miss France: to each Miss her scandal]. Première (sa wikang Pranses). 16 Setyembre 2015. Nakuha noong 31 Mayo 2023.
  29. Lai, Shirley (19 Mayo 1988). "Taiwanese battle over who's the prettiest one of all". Star-News (sa wikang Ingles). p. 16. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  30. "A history of pageantry in SVG 1951 to 2019". One News SVG (sa wikang Ingles). 9 Oktubre 2022. Nakuha noong 7 Disyembre 2024.
  31. 31.0 31.1 31.2 Neelissen, Bernadette (18 Nobyembre 1988). "Miss IJsland's werelds mooiste" [Miss Iceland World's Most Beautiful]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). p. 7. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  32. Martínez, Pilar (27 Nobyembre 2024). "Grandes de las telenovelas: Emma Rabbe" [Soap Opera Greats: Emma Rabbe]. Segre (sa wikang Kastila). Nakuha noong 7 Disyembre 2024.
  33. 33.0 33.1 33.2 Dadson, Nanabanyin (26 Nobyembre 1988). "Not a winner but 'Miss Ghana' makes mark". The Mirror (sa wikang Ingles). Blg. 1776. p. 1. Nakuha noong 30 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  34. "Miss Islandia gana concurso Miss Mundo" [Miss Iceland wins Miss World contest]. La Opinion (sa wikang Kastila). 18 Nobyembre 2024. p. 4. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  35. "Out with a whimper". Evening Times (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1988. p. 25. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  36. "Miss Mundo sin lagrimas" [Miss World without tears]. La Nacion (sa wikang Kastila). 19 Nobyembre 1988. p. 2. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  37. "Lindu spáð verðlaunasæti í kvöld" [Linda predicted a prize seat tonight]. Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 17 Nobyembre 1988. p. 2. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.
  38. 38.0 38.1 "Futuras reinas". La Nacion (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 1988. p. 42. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  39. "Entrant chosen". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 8 Oktubre 1988. p. 5. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  40. "Im Fluss des Lebens" [In the flow of life]. Klipp Zeitschriften (sa wikang Aleman). Nakuha noong 18 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Issuu.
  41. "Ex-Miss België Daisy Van Cauwenbergh veroordeeld tot vijf maanden cel met uitstel". Het Laatste Nieuws (sa wikang Olandes). 25 Nobyembre 2016. Nakuha noong 18 Hulyo 2024.
  42. Córdova, Lilia (17 Mayo 2013). "¿Qué es de la vida de Emma Rabbe?" [What is Emma Rabbe's life like?]. Adicto a las Telenovelas (sa wikang Kastila). Nakuha noong 18 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Yahoo!.
  43. Hendrickson, Sékou (11 Hunyo 2022). "Sophia Cannonier tells court her antibodies 'equal to, if not better than' vaccine". Royal Gazette (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Hulyo 2024.
  44. "Red beauty Sonia faces court". The Sunday People (sa wikang Ingles). 2 Hulyo 1989. p. 9. Nakuha noong 29 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  45. "Anuschka Cova Miss Curacao '87". Amigoe (sa wikang Olandes). 1 Oktubre 1987. p. 12. Nakuha noong 18 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  46. 46.0 46.1 46.2 "Miss Venezuela favorita en Miss Mundo". La Opinion (sa wikang Kastila). 17 Nobyembre 1988. p. 10. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  47. "Miss USA– 4th Texan in a row wins pageant full of controversy". The Kerrville Times (sa wikang Ingles). 2 Marso 1988. p. 7. Nakuha noong 18 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  48. "Miss World on TV". Stabroek News (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 1988. p. 23. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  49. "Andrea Haynes dominates the sections to become 13th Miss Jamaica World". The Gleaner (sa wikang Ingles). 3 Setyembre 2021. Nakuha noong 16 Oktubre 2024.
  50. Yuen, Norman (22 Nobyembre 2022). "10 Miss Hong Kong winners from the 1980s – what are they doing now?". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Disyembre 2022.
  51. "Former Miss India Anu Kottoor to be MTV's new veejay". India Today (sa wikang Ingles). 30 Abril 1995. Nakuha noong 16 Oktubre 2024.
  52. Boylan, Anne (23 Agosto 1997). "So where are you now, Miss Ireland?". The Mirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Hunyo 2023.
  53. "High school student will represent Israel". The Australian Jewish Times (sa wikang Ingles). 1 Abril 1988. p. 4. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
  54. "Finalista a Miss Mondo" [Miss World finalist]. La Stampa (sa wikang Italyano). 24 Setyembre 1988. p. 9. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Archivio La Stampa.
  55. "Foxy lady". Sunday Mirror (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1988. p. 25. Nakuha noong 18 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
  56. Hull, Kareem-Nelson (2018). The Virgin Islands Dictionary: A Collection of Words and Phrases so You Could Say It Like We. Bloomington, Indiana: AuthorHouse.
  57. "Diana Patricia: Por quinta vez Santander se lleva la corona" [Diana Patricia: For the fifth time Santander takes the crown]. Semana (sa wikang Kastila). 14 Disyembre 1987. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
  58. Castro, Carlos; Rojas, Pablo (17 Hulyo 2024). "Empresario detenido por presunta tala ilegal en Limón registra 6 visitas a Casa Presidencial". Costa Rica Noticias (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Agosto 2024.
  59. "Liberia: Former Miss Liberia Launches School Operation". The Inquirer Newspaper. 19 Setyembre 2007. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng AllAfrica.
  60. "Miss World was shy". Star-News (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1988. p. 15. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  61. "'Queen' learns English". The Straits Times (sa wikang Ingles). 18 Setyembre 1988. p. 10. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  62. "Art thérapeute en devenir" [Art therapist in the making]. L'Express (sa wikang Pranses). 1 Marso 2008. Nakuha noong 7 Disyembre 2024.
  63. "Being ex-beauty queen still puts me under pressure –Omasan Buwa". The Sun (sa wikang Ingles). 15 Abril 2017. Nakuha noong 16 Oktubre 2024.
  64. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 1703: attempt to index field '?' (a nil value).
  65. "Angela (21) 't mooist" [Angela (21) the most beautiful]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 22 Agosto 1988. p. 21. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  66. "María José Miranda Ugarriza, de Miss Paraguay a dirigente del Centenario" [María José Miranda Ugarriza, from Miss Paraguay to leader of the Centennial]. ABC Color (sa wikang Kastila). 27 Marso 2022. Nakuha noong 16 Oktubre 2024.
  67. "Pabobonggahin ang 'Mutya' quest". Philippine Star (sa wikang Ingles). 1 Abril 2001. Nakuha noong 16 Oktubre 2024.
  68. Bagge, Paula (24 Disyembre 2016). "Tällainen on ex-missi Nina Kiijärven kaunis joulukoti – täyttymys valkoista joulua toivoville" [Such is ex-miss Nina Kiijärvi's beautiful Christmas home - a fulfillment for those wishing for a white Christmas]. Ilta-Sanomat (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 16 Oktubre 2024.
  69. Staszyńska, Magdalena (6 Abril 2022). "Była Miss Polonia dziś jest milionerką. Gapińska ma jednak poważne problemy z synami" [Former Miss Polonia is a millionaire today. However, Joanna Gapińska has serious problems with her sons. They messed with the law]. Plotek.pl (sa wikang Polako). Nakuha noong 14 Hunyo 2023.
  70. Oliveira, Sara (23 Nobyembre 2023). "Helena Laureano revela luta contra depressão quando recupera rotinas" [Helena Laureano reveals struggle with depression as she recovers her routine]. Jornal de Notícias (sa wikang Portuges). Nakuha noong 7 Disyembre 2024.
  71. Lobjoie, Grégory (12 Pebrero 2019). "Claudia Frittolini relaxée" [Claudia Frittolini relaxed]. Dernières Nouvelles d'Alsace (sa wikang Pranses). Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
  72. Grullón, Julissa (11 Nobyembre 2024). "Mayra Delgado Coronada Como Miss Mundo Dominicana 2024" [Mayra Delgado Crowned as Miss Mundo Dominicana 2024]. Conectate (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2024.
  73. "Miss UK can't find her dress". Evening Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1988. p. 3. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  74. Benjamin, Beresford (2 Agosto 2023). "Miss Sierra Leone Beauty Pageant: Celebrating Elegance, Strength, and Intelligence". Salone Messenger (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Disyembre 2024.
  75. "Glitz and glitter at Miss World photo session". The New Paper (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1988. p. 14. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  76. Dlamini, Mxolisi (19 Oktubre 2023). "Remove govt from Miss Eswatini". Times of Eswatini (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
  77. "So wohnt Karina Berger" [This is how Karina Berger lives]. Schweizer Illustrierte (sa wikang Aleman). 23 Nobyembre 2020. Nakuha noong 14 Hunyo 2023.
  78. "Beast in the beauties rears its ugly head". The New Paper (sa wikang Ingles). 18 Oktubre 1988. p. 2. Nakuha noong 7 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  79. "Newest rage in Taiwan". The Free-Lance Star (sa wikang Ingles). 5 Mayo 1988. p. 3. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  80. "Icelandic bodybuilder is new Miss World". Record-Journal (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1988. p. 9. Nakuha noong 16 Oktubre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  81. "Esperando la gran final" [Waiting for the grand finale]. La Nacion (sa wikang Kastila). 15 Nobyembre 1988. p. 47. Nakuha noong 8 Disyembre 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  82. "Çağla Şıkel'den Miss Turkey itirafı!" [Confession of Miss Turkey by Çağla Şıkel!]. Hürriyet (sa wikang Turko). 24 Agosto 2018. Nakuha noong 15 Abril 2023.
  83. "Beauty Queens since independence". New Vision (sa wikang Ingles). 7 Oktubre 2019. Nakuha noong 16 Oktubre 2024.
  84. "Bila je tiha patnja i želja mnogih muškaraca, no zbog ovog je našeg nogometaša bivša Miss Jugoslavije prošla kroz pakao" [It was the silent suffering and desire of many men, but because of this our football player, the former Miss Yugoslavia went through hell.]. Slobodna Dalmacija (sa wikang Kroato). 18 Marso 2024. Nakuha noong 7 Disyembre 2024.

Panlabas na kawing