Miss Universe 1980
Miss Universe 1980 | |
---|---|
![]() Shawn Weatherly | |
Petsa | 8 Hulyo 1980 |
Presenters |
|
Entertainment | Donny Osmond |
Pinagdausan | Sejong Cultural Center, Seoul, Timog Korea |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal: |
Lumahok | 69 |
Placements | 12 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Shawn Weatherly![]() |
Congeniality | Dealia Devon Walter ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Sangeeta Bijlani ![]() |
Photogenic | Delyse Nottle ![]() |
Ang Miss Universe 1980 ay ang ika-29 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Sejong Cultural Center, Seoul, Timog Korea noong 8 Hulyo 1980.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Maritza Sayalero ng Beneswela si Shawn Weatherly ng Estados Unidos bilang Miss Universe 1980.[3][4] Ito ang ikalimang tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon.[5][6] Nagtapos bilang first runner-up si Linda Gallagher ng Eskosya, habang nagtapos bilang second runner-up si Delyse Nottle ng Nuweba Selandiya.[7][8]
Mga kandidata mula sa 69 na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikalabing-apat na pagkakataon, samantalang sina Helen O'Connell at Jayne Kennedy ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[9][10] Nagtanghal sina Donny Osmond at ang National Folk Ballet of Korea sa edisyong ito.[11][12]
Kasaysayan
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/fc/Sejong_Center_for_the_Performing_Arts%2820240413%29.jpg/250px-Sejong_Center_for_the_Performing_Arts%2820240413%29.jpg)
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/29/%EB%AF%B8%EC%8A%A4%EC%9C%A0%EB%8B%88%EB%B2%84%EC%8A%A4_%EC%8B%9C%EA%B0%80%ED%96%89%EC%A7%84_%281980%EB%85%84_6%EC%9B%9429%EC%9D%BC_%EA%B4%91%ED%99%94%EB%AC%B8%29.jpg/250px-%EB%AF%B8%EC%8A%A4%EC%9C%A0%EB%8B%88%EB%B2%84%EC%8A%A4_%EC%8B%9C%EA%B0%80%ED%96%89%EC%A7%84_%281980%EB%85%84_6%EC%9B%9429%EC%9D%BC_%EA%B4%91%ED%99%94%EB%AC%B8%29.jpg)
Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Noong 15 Enero 1980, sinabi ng City Commissioner ng Miami na si Armando Lacasa sa Metro Tourist Development Council na nangako ang mga organizer ng Miss Universe Inc. na gaganapin ang kompetisyon sa Miami sa Hulyo. Gayunpaman, hindi interesado ang mga opisyal na ibalik ang kompetisyon sa lungsod dahil ayon sa mga opisyal, hindi na naaayon ang kompetisyon sa mga kagustuhan ng mga residente ng Miami.[13]
Noong Pebrero 25, 1980, inimbitahan si Kim Jhoong-key, business director ng Hankook Ilbo-Korea Times Group, sa isang tanghalian kasama sina Maj. Gen. Chun Doo-hwan ng ROK Army Security Command at ang noo'y tagapangulo ng Hankook Ilbo-Korea Times Group na si Chang Kang-jae upang pag-usapan ang posibilidad na idaos ang Miss Universe sa Timog Korea. Natuwa si Chun nang malaman niya kay Kim na may posibilidad ang Hankook Ilbo na i-host ang kompetisyon. At pinapunta nito si Kim sa New York upang kausapin ang pangulo ng Miss Universe Inc. na si Harold Glasser.[14]
Isang araw matapos ang tanghalian, lumipad si Kim papunta sa New York upang makipagkita kay Glasser, at pumayag ito na idaos ang kompetisyon sa Timog Korea sa Hulyo 8.[1] Dahil ang bid ng Timog Korea ay nangyari apat na buwan bago ang kompetisyon, binigay ng Miss Universe Inc. si Kim ng diskwento na $320,000 USD sa hosting charge.[14]
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa 69 na mga bansa at teritoryo ay napili upang kumalahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Dapat sanang kakalahok bilang kinatawan ng Pransiya si Miss France 1980 Thilda Fuller. Gayunpaman, bumitaw sa puwesto si Fuller tatlong araw matapos ang kanyang koronasyon at pinalitan ito ng kanyang first runner-up na si Patricia Barzyk.[15] Binigyan naman ng espesyal na titulo si Fuller bilang Miss France Overseas 1980 at kinatawan ang Tahiti sa kompetisyon.[16] Dahil labing-anim taong gulang lang si Barzyk, hindi ito lumahok sa Miss Universe dahil hindi siya nakaabot sa age requirement. Dahil dito, iniluklok ng Miss France Organization si Brigitte Choquet, isa sa mga kandidata ng Miss France 1980, umang kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Universe.[17]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon
Unang sumali sa edisyong ito ang mga teritoryong Kapuluang Kayman at Kapuluang Turks at Caicos, at bumalik ang mga bansang Curaçao, Guadalupe, Indonesya, at Sint Maarten. Huling sumali noong 1977 ang Guadalupe, Indonesya, at Sint Maarten, at noong 1978 ang Curaçao.
Hindi sumali ang mga bansang Antigua, Barbados, Bophuthatswana, El Salvador, Mawrisyo, Pidyi, Portugal, San Cristobal, San Vicente at ang Granadinas, Suriname, Timog Aprika, at Transkei sa edisyong ito. Hindi sumali sina Jacobeth Lolo Matale ng Bophuthatswana, Jenny Kay ng Timog Aprika, at Lindelwa Myataza ng Transkei dahil hindi nabigyan ang mga ito ng visa dahil sa mga dahilang politikal. Hindi sumali sina Christiane Carol MacKay ng Mawrisyo at Margaret Singh ng Pidyi dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Antigua, Barbados, El Salvador, Portugal, San Cristobal, San Vicente at ang Granadinas, at Suriname matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat sanang kakalahok si Bernice Tembo ng Namibya, subalit hindi ito nakasali dahil hindi ito nabigyan ng visa dahil sa mga dahilang politikal.[18] Hindi rin nakasali si Georgia Christodolidou ng Tsipre dahil sa personal na dahilan.
Mga resulta
Mga pagkakalagay
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1980 |
|
1st runner-up | |
2nd runner-up |
|
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 12 |
|
Nagwagi | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 12 |
Mga iskor sa kompetisyon
Bansa/Teritoryo | Interbyu | Swimsuit | Evening Gown | Katampatan |
---|---|---|---|---|
![]() |
8.317 (1) | 8.718 (1) | 8.883 (1) | 8.639 (1) |
![]() |
8.036 (5) | 8.273 (3) | 8.267 (5) | 8.192 (5) |
![]() |
8.283 (2) | 8.400 (2) | 8.400 (3) | 8.361 (2) |
![]() |
8.121 (4) | 8.033 (6) | 8.433 (2) | 8.196 (4) |
![]() |
8.208 (3) | 8.250 (4) | 8.346 (4) | 8.268 (3) |
![]() |
7.992 (6) | 8.200 (5) | 8.100 (6) | 8.097 (6) |
![]() |
7.850 (7) | 7.892 (8) | 7.867 (10) | 7.870 (7) |
![]() |
7.675 (10) | 7.942 (7) | 7.933 (9) | 7.850 (8) |
![]() |
7.658 (11) | 7.750 (10) | 7.967 (8) | 7.792 (9) |
![]() |
7.789 (8) | 7.729 (12) | 7.842 (11) | 7.787 (10) |
![]() |
7.713 (9) | 7.742 (11) | 7.825 (12) | 7.760 (11) |
![]() |
6.957 (12) | 7.858 (9) | 8.067 (7) | 7.627 (12) |
Mga espesyal na parangal
Parangal | Kandidata |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Congeniality |
|
Best National Costume
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Nagwagi | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Kompetisyon
Pormat ng kompetisyon
Tulad noong 1971, 12 mga semifinalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Kumalahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 12 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.[25]
Komite sa pagpili
- George Maharis – Amerikanong aktor
- Oh Che Qum – Tagapangulo ng lupon ng Korean Community School Association at Language Teaching Foundation
- Ron Duguay – Manlalaro sa NHL
- Luis Maria Anton – Awtor at pangulo ng Press Association ng Espanya
- Kiyoshi Hara – Pangulo ng Asahi Broadcasting Corporation
- Eileen Ford – Amerikanong aktres at co-founder ng Ford Models
- Dong Kingman – Pintor na Intsik-Amerikano
- Margaret Gardiner – Miss Universe 1978 mula sa Timog Aprika
- Richard Roundtree – Amerikanong aktor
- Max Boston – Musikero at television executive
- Abigail Van Buren – Amerikanong manunulat at kolumnista
- Jung Il-Yung – Miyembro ng Batasang Pambansa ng Timog Korea
Mga kandidata
69 na kandidata ang lumahok para sa titulo.[26]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
![]() |
Silvia Piedrabuena | 20 | Santa Fe |
![]() |
Magaly Maduro[27] | 20 | Oranjestad |
![]() |
Katrina Redina[28] | 18 | Melbourne |
![]() |
Isabel Muller | 18 | Viena |
![]() |
Darlene Davis[29] | 20 | New Providence |
![]() |
Brigitte Billen[30] | 20 | Limburg |
![]() |
Ellen Marie Clarke | 18 | Lungsod ng Belis |
![]() |
Maye Brandt[31] | 19 | Caracas |
![]() |
Jill Murphy | 19 | Hamilton |
![]() |
Eveline Schroeter[32] | 19 | Rio de Janeiro |
![]() |
Sonia Pereira[33] | – | Santa Cruz de la Sierra |
![]() |
Hassana Hamoud[34] | – | Willemstad |
![]() |
Jane Bill | 18 | Copenhague |
![]() |
Verónica Rivas[35] | 17 | Machala |
![]() |
Linda Gallagher[36] | 23 | Glasgow |
![]() |
Yolanda Hoyos[37] | 19 | Palencia |
![]() |
Shawn Weatherly[38] | 20 | Sumter |
![]() |
Kim Ashfield[39] | 21 | Buckley |
![]() |
Roula Kanellapoulou | – | Atenas |
![]() |
Elydie de Gage | 18 | Basse Terre |
![]() |
Dina Aportadera[40] | 18 | Agana |
![]() |
Lizabeth Iveth Martínez | 19 | Lungsod ng Guwatemala |
![]() |
Hisae Hiyama[41] | 21 | Tokyo |
![]() |
Angelina Chong | 19 | Garapan |
![]() |
Etelvina Raudales[42] | 20 | San Pedro Sula |
![]() |
Wanda Tai[43] | 20 | Hong Kong |
![]() |
Sangeeta Bijlani[44] | 19 | Bombay |
![]() |
Nana Riwayati[45] | 18 | Timog Sulawesi |
![]() |
Julie Duckworth[46] | 19 | Blackpool |
![]() |
Maura McMenamim[47] | 21 | Dublin |
![]() |
Ilana Shoshan[48] | 19 | Kfar Saba |
![]() |
Loredana Del Santo[49] | 21 | Povegliano Veronese |
![]() |
Teresa McKay[50] | 19 | Calgary |
![]() |
Kathrin Glotzl | – | Mababang Sahonya |
![]() |
Barbara Stevens[51] | 20 | Road Town |
![]() |
Deborah Mardenborough[52] | 24 | Charlotte Amalie |
![]() |
Devon Walter | 21 | George Town |
![]() |
Constance Lightbourne | 18 | Grand Turk |
![]() |
Maria Patricia Arbeláez[53] | 18 | Medellín |
![]() |
Bárbara Bonilla[54] | 18 | San José |
![]() |
Guðbjörg Sigurdardóttir[55] | 22 | Reikiavik |
![]() |
Felicia Yong[56] | 19 | Temerloh |
![]() |
Isabelle Zammit | – | Valletta |
![]() |
Ana Patricia Nuñez[57] | 17 | Sonora |
![]() |
Maiken Nielsen | 22 | Oslo |
![]() |
Delyse Nottle[58] | 20 | Auckland |
![]() |
Karin Gooyer[59] | 19 | Akersloot |
![]() |
Gloria Karamañites[60] | 19 | Lungsod ng Panama |
![]() |
Mispah Alwyn[61] | 19 | Port Moresby |
![]() |
Martha Galli[62] | 19 | Asunción |
![]() |
Lisseth Ramis Figueroa[63] | 18 | Huánuco |
![]() |
Rosario Silayan[64] | 21 | Maynila |
![]() |
Sirpa Viljamaa[65] | 21 | Helsinki |
![]() |
Agnes Tañón[66] | 18 | Caguas |
![]() |
Brigitte Choquet[67] | 21 | Roussillon |
![]() |
Milagros Germán[68] | 21 | San Ignacio de Sabaneta |
![]() |
Marie Josephe Hoareau | 17 | Saint-Denis |
![]() |
Ann Chua[69] | 25 | Singapura |
![]() |
Lucie Marie Davic | 19 | Philipsburg |
![]() |
Hyacinth Kurukulasuriya | 18 | Colombo |
![]() |
Eva Andersson[70] | 19 | Uddevalla |
![]() |
Margrit Kilchoer | 20 | Geneva |
![]() |
Thilda Fuller[17] | 25 | Papeete |
![]() |
Artitaya Promkul[71] | 19 | Bangkok |
![]() |
Kim Eun-jung[72] | 24 | Seoul |
![]() |
Althea Rocke[73] | 20 | Port of Spain |
![]() |
Gabriela Campusano | 18 | Valparaíso |
![]() |
Heyecan Gökoğlu | – | Istanbul |
![]() |
Beatriz Antuñez | 22 | Montevideo |
Mga tala
- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 "Much of the world to see Miss Universe". The Commercial Appeal (sa wikang Ingles). 18 Marso 1980. p. 30. Nakuha noong 6 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "South Carolina girl wins Miss Universe pageant". The Press-Courier (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 2. Nakuha noong 31 Marso 2023.
- ↑ Kirven, Anne (8 Hulyo 1980). "'Gonna Like it Here' was more than a song". The Item (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 12 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ Longmire, Becca (2 Hunyo 2016). "You'll never BELIEVE what Baywatch babe Jill Riley looks like now..." The Daily Express (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Marso 2023.
- ↑ "USA pa rin ang pinakamalakas na bansa sa Miss Universe". Bandera (sa wikang Filipino). 15 Enero 2023. Nakuha noong 5 Marso 2023.
- ↑ "Miss Universe". The Tuscaloosa News (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 3. Nakuha noong 7 Marso 2023.
- ↑ "Five on top of the universe". The Straits Times (sa wikang Ingles). 9 Hulyo 1980. p. 2. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ "Miss Universe 1980". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 1. Nakuha noong 7 Marso 2023.
- ↑ Banks-Smith, Nancy (14 Hulyo 2015). "Miss Universe on television: from the archive, 14 July 1980". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ Kwaak, Je-yup (27 Hulyo 2012). "Throwing cold water on Korea's American dream". Korea Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Marso 2023.
- ↑ "Outras atrações entre tantas missas campais". Folha de S.Paulo (sa wikang Portuges). 7 Hulyo 1980. Nakuha noong 5 Marso 2023.
- ↑ "Untitled". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 2. Nakuha noong 7 Marso 2023.
- ↑ Doig, Stephen (16 Enero 1980). "Expensive Date". Miami Herald (sa wikang Ingles). p. 128. Nakuha noong 12 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ 14.0 14.1 Yang, Dong-hee (17 Mayo 2015). "Gwangju Uprising and Miss Universe 1980 (I)". Korea Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ Mathieu, Clement (9 Disyembre 2022). "Miss France 1980: Patricia Barzyk, future muse de Mocky". Paris Match (sa wikang Pranses). Nakuha noong 26 Pebrero 2023.
- ↑ Paul, Odile (15 Disyembre 2018). "Archives d'Outre-mer : quand deux miss des Outre-mer ont renoncé au titre de miss France". Outre-mer la 1ère (sa wikang Pranses). Nakuha noong 26 Pebrero 2023.
- ↑ 17.0 17.1 Barrais, Delphine (9 Mayo 2021). "Thilda Fuller, Miss Tahiti 1979". Tahiti Infos (sa wikang Pranses). Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ Siririka, Paheja; Lunyangwe, Strauss (5 Hulyo 2019). "Former Miss Namibia… Wherefore art thou?". New Era Live (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Pebrero 2023.
- ↑ "South Carolina Blonde wins Miss Universe title". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. pp. 1–2. Nakuha noong 5 Marso 2023.
- ↑ 20.0 20.1 20.2 20.3 20.4 "World in a nutshell". Amigoe (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 7. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ 21.00 21.01 21.02 21.03 21.04 21.05 21.06 21.07 21.08 21.09 21.10 "Estados Unidos, Miss Universo". El Tiempo. 8 Hulyo 1980. pp. 1, 12-D. Nakuha noong 7 Marso 2023.
- ↑ "Victory wave". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 4 Hulyo 1980. p. 5. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
- ↑ "Beauties too, go for palm reading". New Straits Times (sa wikang Ingles). 3 Hulyo 1980. p. 28. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "#ThrowbackThursday: When Sangeeta Bijlani won Best National Costume at Miss Universe". The Times of India (sa wikang Ingles). 28 Mayo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2023. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "American student named Miss Universe". Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. pp. 2A. Nakuha noong 31 Marso 2023.
- ↑ "Miss in tranen" [Miss in tears]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 8 Hulyo 1980. p. 7. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Miss Aruba en Miss Holland". Leeuwarder Courant (sa wikang Olandes). 24 Hunyo 1980. p. 7. Nakuha noong 28 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Beauty win". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 1 Abril 1980. p. 17. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
- ↑ "Former Beauty Queen and Ordained Minister Darlene Davis-Hord Presents New Book to the Prime Minister". The Bahamas Weekly (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 2016. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.
- ↑ "¿Por qué se suicidó Maye Brandt, la exMiss Venezuela, y qué pasó con su prometedora carrera?". La Republica (sa wikang Kastila). 22 Oktubre 2022. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "Conheça a história do Miss Brasil". Terra (sa wikang Portuges). 29 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
- ↑ "El título les dio alegrías, trabajo y fama que aún saborean". El Deber (sa wikang Kastila). 29 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2023. Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
- ↑ "Miss Curacao naar Zuid Korea". Amigoe (sa wikang Olandes). 6 Hunyo 1980. p. 2. Nakuha noong 28 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Ex Miss Ecuador se descubre en muestra". El Universo (sa wikang Kastila). 20 Hulyo 2013. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "Crown to an American beauty". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 9 Hulyo 1980. p. 5. Nakuha noong 7 Marso 2023.
- ↑ "QUÉ ES DE... «Acabé quemada del mundo del espectáculo y dije ancha es Castilla»". El Comercio (sa wikang Kastila). 7 Mayo 2017. Nakuha noong 27 Disyembre 2022.
- ↑ "Canfield girl places 4th in Miss USA contest". Youngstown (sa wikang Ingles). 16 Mayo 1980. pp. 1, 8. Nakuha noong 31 Enero 2023.
- ↑ "Karen's surprise at Miss UK result". The Journal (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 1980. p. 6. Nakuha noong 25 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "War was a shaky subject". Pacific Daily News (sa wikang Ingles). 29 Hulyo 1980. p. 17. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "Chairman Chang unveils Miss Universe". New Straits Times (sa wikang Ingles). 1 Hulyo 1980. p. 32. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
- ↑ Yuen, Norman (22 Nobyembre 2022). "10 Miss Hong Kong winners from the 1980s – what are they doing now?". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Disyembre 2022.
- ↑ "50 years of Miss India: Winners through the years". The Times of India (sa wikang Ingles). 25 Marso 2013. Nakuha noong 16 Disyembre 2022.
- ↑ Tresnady, Tomi (14 Disyembre 2016). "Profil Nana Riwayatie, Kakak Kandung Ahok Mantan Miss Universe". Suara.com (sa wikang Indones). Nakuha noong 27 Disyembre 2022.
- ↑ Beardmore, Rebecca (2 Setyembre 2021). "Beauty queen family legacy inspires Miss Blackpool's dream of winning Miss Great Britain 2021". Blackpool Gazette (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Disyembre 2022.
- ↑ Moran, Michael (14 Abril 2008). "Search is on for Sligo's Miss Ireland". Irish Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Disyembre 2022.
- ↑ "Beauty's thoughts". The Australian Jewish News (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1980. p. 31. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
- ↑ "Lory Del Santo: età, compagno, figli e biografia della showgirl". TAG24 (sa wikang Italyano). 20 Enero 2023. Nakuha noong 11 Pebrero 2023.
- ↑ "She lost her crown". Ottawa Citizen (sa wikang Ingles). 6 Nobyembre 1979. p. 73. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ Hull, Kareem-Nelson (2018). The Virgin Islands Dictionary: A Collection of Words and Phrases so You Could Say It Like We. Bloomington, Indiana: AuthorHouse.
- ↑ Roach, Tregenza (19 Hulyo 1980). "Miss Us Virgin Islands Returns From Korea". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). p. 9. Nakuha noong 3 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "Senorita Colombia en Bogota". El Tiempo (sa wikang Kastila). 17 Nobyembre 1979. p. 1. Nakuha noong 8 Pebrero 2023.
- ↑ Díaz Zeledón, Natalia (12 Hunyo 2017). "Otras Miss Costa Rica que fueron coronadas sin certamen televisado". La Nación (sa wikang Kastila). Nakuha noong 26 Pebrero 2023.
- ↑ "Utan tilþátttöku í Miss Universe". Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 17 Hunyo 1980. p. 2. Nakuha noong 18 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.
- ↑ "Making a hit at a parade!". The Straits Times (sa wikang Ingles). 23 Hunyo 1980. p. 2. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ Obregon, Amelia (23 Mayo 2022). "Las sonorenses de Miss Universo" [The Sonorans of Miss Universe]. El Imparcial (sa wikang Kastila). Nakuha noong 23 Abril 2023.
- ↑ Simich, Ricardo (7 Pebrero 2011). "Spy: The rise and fall of Miss New Zealand". NZ Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "Miss Holland gekozen". Limburgsch Dagblad (sa wikang Olandes). 5 Mayo 1980. p. 3. Nakuha noong 28 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Estas son las panameñas que participaron de Miss Universo". Telemetro (sa wikang Kastila). 7 Enero 2015. Nakuha noong 10 Disyembre 2022.
- ↑ "Queen doubts chance". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 1 Mayo 1980. p. 3. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
- ↑ Coronel, Raul (15 Oktubre 2021). "Te presentamos a todas nuestras representantes en Miss Universe". Epa! (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
- ↑ "Miss Perú: las peruanas más bellas de las últimas décadas". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.
- ↑ Montemar-Oriondo, Ann (8 Disyembre 2002). "Chat Silayan and That 40-carat feeling". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Enero 2023.
- ↑ Lehtkanto, Katariina (23 Hunyo 2019). "IL selvitti, mitä takavuosien missikaunottarille kuuluu nyt: Klamydia omisti kokonaisen biisin Nina Autiolle, josta tuli lopulta diplomi-insinööri". Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 27 Disyembre 2022.
- ↑ "¿Cuántas veces Puerto Rico ha clasificado en Miss Universe?". Primera Hora (sa wikang Kastila). 17 Enero 2023. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "Miss Billen rust bij repetities" [Miss Billen is resting at rehearsals]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 5 Hulyo 1980. p. 7. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
- ↑ "Presidente dominicano nombra a una nueva ministra de Cultura". Swissinfo (sa wikang Kastila). 7 Setyembre 2021. Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "First runner-up". New Nation (sa wikang Ingles). 30 Mayo 1980. p. 2. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ Briquelet, Kate (17 Disyembre 2021). "Epstein's Socialite Ex Eva Andersson-Dubin Denies Having Orgies With Teen Girls". The Daily Beast (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ "Beauties and Angels meet". The Straits Times (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1980. p. 1. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
- ↑ Yang, Dong-hee (19 Mayo 2015). "Gwangju Uprising and Miss Universe 1980 (II)". Korea Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Pebrero 2023.
- ↑ Caliste, Gillian (14 Marso 2021). "Collectible dolls came out of COVID darkness". Trinidad and Tobago Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Pebrero 2023.