Miswa

Miswa
Miswa mula sa Taywan
Ibang tawagMisua, wheat vermicelli
UriTsinong pansit
LugarTsina
Rehiyon o bansaFujian
Pangunahing SangkapHarinang de-trigo
Miswa
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino麵線
Pinapayak na Tsino面线
Kahulugang literalsinulid na pansit
Pangalang Khmer
Khmerមីសួ (mii suə)

Ang miswa (na binabaybay ring misua o mee sua; Tsino: 麵線; Pe̍h-ōe-jī: mī-sòaⁿ) ay isang uri ng napakanipis na pansit na gawa sa harinang de-trigo.[1][2] Nagmula ito sa Fujian, Tsina.[2] Iba ito sa bihon at sotanghon na gawa sa bigas at monggo, ayon sa pagkabanggit.

Kultura

Kumakatawan ang miswa sa mahabang buhay sa kulturang Tsino, kaya isa itong tradisyonal na pangkaarawang pagkain sa kanila. Dahil dito, madalas hinihimok na huwag nguyain o hiwain ang pansit miswa.[3] Kadalasan itong sinasahugan ng itlog, tokwa, siling-pula,[3] talaba, isaw ng baboy,[4] kabuteng shiitake, baka, lasuna o tanduyong, tinostang mani o pritong isda.

Galeriya

Mga sanggunian

  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Misua". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
  2. 2.0 2.1 Albala, K. (2017). Noodle Soup: Recipes, Techniques, Obsession [Luglog: Mga Resipi, Pamamaraan, Pagkahumaling] (sa wikang Ingles). University of Illinois Press. p. 173. ISBN 978-0-252-05019-0. Nakuha noong Agosto 26, 2018.
  3. 3.0 3.1 "LIST: 'Lucky food' to prepare for Chinese New year, and why" [LISTAHAN: 'Maswerteng pagkain' na ihahanda para sa Bagong Taon ng Mga Tsino, at kung bakit]. Rappler (sa wikang Ingles). Enero 24, 2020. Nakuha noong Agosto 18, 2022.
  4. Cosmo, S. (2017). The Ultimate Pasta and Noodle Cookbook [Ang Ultimong Aklat Panluto ng Pasta at Pansit] (sa wikang Ingles). Cider Mill Press. p. 92. ISBN 978-1-60433-733-4. Nakuha noong 4 January 2020.


Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.