Molluscum contagiosum
Molluscum contagiosum | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
ICD-10 | B08.1 |
ICD-9 | 078.0 |
DiseasesDB | 8337 |
MedlinePlus | 000826 |
eMedicine | derm/270 |
MeSH | D008976 |
Molluscum contagiousm virus | |
---|---|
EM of Molluscum contagiosum virus | |
Klasipikasyon ng mga virus | |
Group: | Group I (dsDNA)
|
Pamilya: | Poxviridae
|
Sari: | Molluscipoxvirus
|
Espesye: | Molluscum contagiosum virus
|
Ang Molluscum contagiosum (MC) ay isang viral na impeksiyon ng balat o minsan ng mga membranong mukosa. Ito ay sanhi ng DNA poxvirus na tinatwag na molluscum contagiosum virus (MCV). Ang MC ay walang panghayop na natural na reservoir at humahawa lamang ng mga tao. May apat na uri ng MVC MCV, MCV-1 to -4. Ang MCV-1 ang pinakalaganap at ang MCV-2 ay karaniwang nakikita sa mga matandang(adults) tao at kalimitan ay naipapasa sa pakikipagtalik. Ang karaniwang sakit na viral na ito ay may mataas na isidensiya sa mga bata, seksuwal na aktibong mga matanda at mga may kakulangan ng immuno. Ang impeksiyong ito ay pinakaraniwan sa mga bata na may edad na isa hanggang 10 taon. Ang MCV ay maaaring humawa ng anumang lugar ng balat ngunit mas karaniwan sa trunk ng katawan, mga braso at hita. Ang sakit na ito ay kumakalat sa pamamagitan ng direktang pagdidikit o mga pinasasaluhang gamit gaya ng damit o mga tuwalya.
Ang virus na ito ay karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng pagdidikit na balat-sa-balat. Ito ay kinabibilangan ng seksuwal na pagdidikit(o pagtatalik) o paghipo at pagkamot ng mga bukol nito at pagkatapos ay ihihipo sa balat. Ang paghawak rin ng mga bagay na may virus dito(fomites) gaya ng tuwalaya ay maaari ring magresulta ng impeksiyon. Ang virus ay maaaring maipasa mula sa isang bahagi ng katawan sa iba pa o sa ibang mga tao. Ang virus na ito ay maaaring kumalat sa mga bata sa pangangalagang pang-araw(day care) o sa paaralan. Ang Molluscum contagiosum ay nakahahawa hanggang ang mga bukol ay naglaho na kung hindi nagamot ay maaaring tumagal ng mga anim na buwan o mas matagal pa. Ang panahon mula sa pagkakahawa hanggang sa paglitaw ng mga lesyon ay maaaring hanggang anim na buwan na may aberaheng yugto ng inkubaasyon sa pagitan ng 2 at 7 linggo.