Pagtatakda at pagpapahayag ng kaibahan sa kasariang pantao
Ang kasariang pantao ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang indibidwal ay nagiging alinman sa isang lalaki o babae sa panahon ng paglaki.
Ang paradigmong Jost
Sa karaniwang paraan, ang kasarian ng isang indibidwal ay malalaman at ipinahayag sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Kasariang kromosomal (henetiko): Pagkakaroon o kawalan ng Y na kromosoma
- Kasariang gonadal (pagtatakda ng pangunahing kasarian): kinokontrol ng presensiya (pagkakaroon) o kawalan ng testis determining factor (TDF) o "bagay na nagtatakda ng (pagkakaroon ng) itlog ng bayag at bayag."
- Kasariang penotipiko (pagtatakda ng pangalawang kasarian): tinukoy sa pamamagitan ng hormonal mga produktong nagawa sa pamamagitan ng mga gonad.
Pagtakda ng kasarian
Pagtakda ng kasarian sa antas ng kromosoma
Para sa nakararami, ang pagtakda ng kasarian ay kasing simple sa pagtingin sa pagkakaroon o kawalan ng Y kromosoma. Ang mga indibidwal na may isang Y kromosoma (XXY kasama, XXXY, atbp) ay isang lalaki, at sa mga wala ay natatakdang babae. Ang ibang indibidwal, gayunpaman, ay sumailalim sa siyang tinutukoy na primary sex reversal, kung saan ang X at Y na mga kromosoma ay may cross-over at nagpapalit ng genetic material. Ito medyo bihirang pangyayari (humigit-kumulang sa 1 sa 20,000 mga panganganak) at maaaring humantong sa mga lalaki na may dalawang mga kromosoma X at mga babae na may isang kromosoma Y.
Hene na nagtatakda ng bayag
Noong huling bahagi ng 1980s at unang bahagi 1990s, noong tinatala ang genome tao, ang mga mananaliksik ay sinimulang maghanap ng natatanging gene sa Y na krosomoa, na noon, ay nakikilala bilang testis determining factor (TDF). Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga indibidwal na sumailalim ng primary sex reversal (XX na lalaki at XY na babae), nalaman ng mananaliksik na ang TDF ay matatgpuan sa Y na kromosoma sa isang dako na mapahihintulutan ang pagpapalit sa X na kromosoma tuwing cross over. Noong 1985, si Dr. David C. Page ay naglathala ng artikulo sa Nature na malakas na nilalahad na ang TDF ay ang ZFY gene sa Y na kromosoma.[1] Gayon pa man, natuklasan ni Dr. MS Palmer ang isang ZFY analogue sa X na kromosoma, na nagbibigay ebidensiya na ZFY ay hindi ang TDF.[2] Kinalaunan, napatunayan ni Dr. Peter Koopman na ang SRY gene ay ang TDF mula sa pag-aaral ng XX males..[3] Ang mga sumusunod na katibayan ay lubusang nagbibigay tulong sa pahayag na ito:
- Ang SRY ay partikular sa Y na kromosoma, at walang analogue na matatagpuan sa X na kromosoma.
- Ang SRY ay nawawala o mutated sa XY na mga babae.
- Ito ay sumasailalim ng ekspresyon sa may bayag tuwing nahihinuha ang bayag
- Ang genetic sequence nito ay nagmumungkahi na ang protein nito ay DNA-binding motif dahil mayroon itong mataas homology sa isang 80 amino acid na DNA binding region (HMG box).
SRY isang repressor?
Kamakailan lamang, iminungkahi ng iba na SRY gene ay gumaganap bilang isang repressor or inhibitor ng isang gene, na tinaguriang “Z”, na siyang napapasama tuwing paglaki ng babae. Noon, isinasaad na ang SRY sequence ay siyang nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng DNA binding motif. At ang ideya na SRY ay isang repressor ay siyang tinataguyod ng kaaalaman na ang maliit na porsyento ng mga sex reversal na kaso ay hindi napapaliwanag ng kawalan ng SRY at maaring maituro sa isang mutation sa isang “Z” gene na pumipigil sa pagbigkis ng SRY at ang kanyang kasunod na patutol na aksiyon.[4]
Ibang gene para sa pagtakda ng kasarian
- DAX1: Isinasaad ang mga epekto nito sa maagang bahagi ng paglaki. Mayroong ilang mga debate sa kung ano ang papel nito ay sa pagpapaunlad ng bayag. Ito ay isang kandidato para sa gene "Z".[5]
- SOX9: mutations sa gene na ito ay ang dahilan ng malalang kaso ng dwarfism, at isang karamdaman sa buto na tinatawag na campomelic dysplasia, na nangyayari sa maraming sex-reversed na lalaki.[6]
Pagkikita ng Kaibahan sa kasarian
Ang pagkikita ng kaibahan sa kasarian ay tumutukoy sa pagpapahayag ng phenotypic na katangian na natatangi sa kasarian ng indibidwal. Ang paglaki ni bayag ay resulta ng pagkakaroon o kawalan ng SRY gene sa Y na kromosoma, habang ang pagkita ng kaibahan sa kasarian ay nalalaman sa hormonal na produkto na ginagawa ng bayag.
Testosterone
Noong 1930s, natukoy ni Alfred Jost na ang pagkakaroon ng testosterone ay kinakailangan para sa maliit na Wolffian duct sa babaeng kuneho.[7]
Müllerian inhibiting substance
Siniyasat din ni Jost na habang ang testosterone ay kinakailangan para sa maliit na tubo Wolffian unlad, ang regression ng Müllerian duct ay dahil sa ibang sangkap. Ito ay kamakailang nalaman na isang Müllerian inhibiting substance (MIS), isang 140 kD dimeric glycoprotein na ay ginawa ng sertoli cells. Ang MIS pumipigil sa palaki ng Müllerian ducts, at siyang nagtataguyod ng kanilang regression.
5-alpha dihydrotestosterone (DHT)
Sa tulong ng 5-alpha reductase, ang testosterone ay napapalitan sa mas mabisang anyo nito, ang DHT. Ang DHT kinakailangan upang mapakita ang androgenic effects na siyang mas malayo sa pinagagawan ng testosterone, kung saan ang dami ng testosterone ay masyadong kakaunti para bumisa. Ang kakulangan sa 5-alpha reductase ay nagreresulta sa isang karamdaman sa androgen na makikita bilang by female phenotype o malubhang undervirilized na lalaking phenotype na sinasabayan ng pagtaguyod ng epididymis, vas deferens, seminal vesicle, at ejaculatory duct, ngunit minsan mayroong pseudovagina.
Mga Patholohiya
Ang mga sumusunod na karamdaman ay dahil sa kamalian sa pagtatakda ng kasarian at paraan ng pagkikikta ng kaibahan:[8]
- Congenital Adrenal Hyperplasia - Kawalan ng abilidad ng adrenal na gumawa ng karampatang cortisol, na nagdadala sa malakas na paggawa ng testosterone na siyang kadahilanan ng malalang pakalalaki sa 46 XX na babae.
- Persistent Müllerian Duct Syndrome - Isang bihirang uri ng pseudohermaphroditism na nangyayari sa 46 lalaki XY, sanhi ng alinman sa isang pagbago sa Müllerian inhibiting substansiya (MIS) gene, sa 19p13, o sa isang type II receptor, 12q13A. Ito ay nagreresulta sa pagpapanatili ng Müllerian ducts (pananatili ng panimulang matris at fallopian tubes in normal na virilized na lalaki), unilateral or bilateral undescended testes o minsan pagkabaog.
- Male Pseudohermaphroditism - Lagpak na paggawa ng androgen or kakulangan sa pagtugon sa androgen, na dahilan ng incomplete masculinization sa XY na lalaki. Nag-iiba mula sa lagpak ng masculinization na may undescended testes hanggang sa complete sex reversal at babaeng phenotype (Androgen insensitivity syndrome)
- Swyer syndrome. Isang uri ng complete gonadal dysgenesis, na dahil sa mutations sa pangunahing hakbang ng pagtakda ng kasarian; the SRY genes.
Tingnan din
Mga sanguniaan
- ↑ Page DC, de la Chapelle A, Jean Weissenbach (1985). "Chromosome Y-specific DNA in related human XX males". Nature. 315 (6016): 224–6. doi:10.1038/315224a0. PMID 2987697.
{cite journal}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Palmer MS (1989). "Sex determining genes". Science Progress. 73 (290 Pt 2): 245–61. PMID 2678463.
- ↑ Koopman, P (1995). "The molecular biology of SRY and its role in sex determination in mammals". Reproduction, Fertility, and Development. 7 (4): 713–22. doi:10.1071/RD9950713. PMID 8711208.
- ↑ DiNapoli L, Capel B. (2008). "SRY and the standoff in sex determination". Molecular Endocrinology. 22 (1): 1–9. doi:10.1210/me.2007-0250. PMC 2725752. PMID 17666585.
- ↑ Koopman P (1999). "Sry and Sox9: mammalian testis-determining genes". Cellular and Molecular Life Sciences. 55 (6–7): 839–56. doi:10.1007/PL00013200. PMID 10412367.
{cite journal}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong) - ↑ Pop R, Zaragoza MV, Gaudette M, Dohrmann U, Scherer G (2005). "A homozygous nonsense mutation in SOX9 in the dominant disorder: a case of mitotic gene conversion". Human Genetics. 117 (1): 43–53. doi:10.1007/s00439-005-1295-y. PMID 15806394.
{cite journal}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ A. Jost, D. Price, R. G. Edwards (1970). "Hormonal Factors in the Sex Differentiation of the Mammalian Foetus [and Discussion]". Philosophical Transactions of the Royal Society of London. Series B, Biological Sciences 259(828): 119-131. link to article abstract
- ↑ MacLaughlin and Donahoe N (2004). "Mechanisms of Disease: Sex Determination and Differentiation". New England Journal of Medicine. 350 (4): 367–378. doi:10.1056/NEJMra022784. PMID 14736929.