Palarong Olimpiko ng Kabataan

Youth Olympic Games
The logo of Youth Olympic Games
Summer Games
Winter Games
Sports
Summer:
  • Archery
  • Athletics
  • Badminton
  • Basketball
  • Beach volleyball
  • Boxing
  • Canoeing
  • Cycling
  • Diving
  • Equestrian
  • Fencing
  • Field hockey
  • Football
  • Golf
  • Gymnastics
  • Handball
  • Judo
  • Modern pentathlon
  • Rowing
  • Rugby sevens
  • Sailing
  • Shooting
  • Swimming
  • Table tennis
  • Taekwondo
  • Tennis
  • Triathlon
  • Volleyball
  • Weightlifting
  • Wrestling
Winter:
  • Alpine skiing
  • Biathlon
  • Bobsleigh
  • Cross-country skiing
  • Curling
  • Figure skating
  • Freestyle skiing
  • Ice hockey
  • Luge
  • Nordic combined
  • Short track speed skating
  • Skeleton
  • Ski jumping
  • Snowboarding
  • Speed skating
Unang sagisag ng Palarong Olimpikong ng Kabataan
Ikalawang sagisag ng Palarong Olimpikong ng Kabataan
Ikatlong sagisag ng Palarong Olimpikong ng Kabataan

Ang Palarong Olimpiko ng Kabataan (YOG) (Palarong Olimpikong Pangkabataan) ay isang pang-internasyunal na palarong pampalakasan para sa mga atletang may 15 hanggang 18 taong gulang.[1] Binuo ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC), ginaganap ng palaro tuwing apat na taon ng salitan tuwing tag-init at taglamig ayon sa kasalukuyang ayos ng Palarong Olimpiko, ngunit taliwas sa Palarong Olimpikong sa Taglamig na ginaganap tuwing luksong taon sa halip na mga Palarong Olimpiyado. Ang unang palarong tag-init ay ginanap sa Singapore mula ika-14 hanggang 26 ng Agosto 2010, habang ang unang palarong tag-lamig ay ginanap sa Austria mula ika-13 hanggang 22 ng Enero 2012.[2]

Ang konsepto ng naturang paligsahan ay iminungkahi ni Johann Rosenzopf ng Austria noong 1998. Noong ika-6 ng Hulyo 2007, inaprubahan ng mga miyembro ng IOC sa ika-119 sesyon ng IOC sa Lungsod ng Guatemala ang paglikha ng isang bersyon mga Palarong Olimpiko para sa kabataan, na may hangarin na hatiin ang gastos sa pagdaraos ng palaro sa pagitan ng IOC at ng punong-abalang lungsod, samantalang ang mga gastos sa paglaklakbay ng mga manlalaro at kanilang mga maneensayo ay sasagutin ng IOC. Ang palarong ito ay nagtatampok din ng mga programang pagpapalitan ng kultura at mga pagkakataon para sa mga kalahok upang makakilala ng mga Olimpikong manlalaro.

May ilang kaganapang Olimpiko para sa kabataan, tulad ng Pistang Olimpiko ng Kabataan sa Europa na ginanap sa bawat iba pang mga taon na may mga bersyon ng tag-init at taglamig, at ang Pistang Olimpiko ng Kabataan sa Australya, na parehong napatunayan na matagumpay. Ang mga Palarong Kabataan ay halaw mula sa mga nasabing kaganapang pampalakasan.[3] Ang YOG ay isa ring kahalili sa ipinagpaliban na Pambansang Palaro ng Kabataan.

Ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Singapore noong 2010 at Nanjing noong 2014 ay parehong naging punong-abala sa 3600 mga manlalaro at nagtagal ng 13 araw, samantala ang Palaro Olimpiko ng Kaabataan sa Taglamig sa Innsbruck noong 2012 ay mayroong 1059 manlalaro, habang Lillehammer noong 2016 ay may 1100 mga manlalaro at nagtagal ng 10 araw. Bagama't lumampas sa mga paunang pagtataya,[4][5] ang YOG ay nanatiling mas maliit kaysa sa kanilang mga nakakatandang katumbas. Ang pinakahuling palaro sa tag-init ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2018 sa Buenos Aires, Arhentina. Ang pinakahuling palaro sa taglamig ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2024 sa Gangwon, Timog Korea. Ang susunod na palaro sa tag-init na magaganap ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2026 sa Dakar, Senegal, habang ang susunod na Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2028 ay gaganapin sa Dolomites at Valtellina, Italya.

Kasaysayan

Ang konsepto ng mga Palarong Olimpiko ng Kabataan ay nagmula sa Awstriyanong industrial manager na si Johann Rosenzopf noong 1998.[6] Ito ay bilang tugon sa lumalalang pandaigdigang suliranin patungkol sa labis na katabaan ng mga bata at ang pagbaba sa bilang ng pakikilahok sa mga kumpetisyong pampalakasan, lalo na sa mga kabataan mula sa mga mauunlad na bansa (developed nations). Idinagdag rin na ang isang bersyon ng Palarong Olimpiko para sa mga kabataan ay makatutulong sa pagpapalakas ng pakikilahok sa Palarong Olimpiko.[7]

Sa kabila ng mga kadahilanang ito upang magkaroon ng isang kaganapang Olimpiko para sa mga kabataan, naging negatibo ang tugon ng IOC sa pagganap ng isang purong kumpetisyong pampalakasan. Nais ng mga delegado ng IOC na ang kabuuan ng kaganapan ay bukod na nakalaan para sa pag-aaral at pagpapalitan ng kultura gaya ng pampapalakasan, kung kaya't nabuo ang Programang Pangkultura at Edukasyon (Culture and Education Program o CEP) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Palaro.[8]

Inanunsyo ni Jacques Rogge, dating pangulo ng IOC, ang mga plano para sa Palaarong Olimpiko ng Kabataan sa ika-119 na sesyon ng IOC sa Lungsod ng Guatemala noong 6 Hulyo 2007.[9] May mga ilang layunin ang YOG, at kabilang sa apat nito ang tipunin ang pinakamahuhusay na mga kabataang atleta sa buong mundo, na nagaalok ng introduksyon sa mga turo ng Olimpiko, pagbabago sa pagtuturo at pakikipagusapan patungkol sa pagpapahalagang Olimpiko.[10]

Ang lungsod ng Singapore ang inanunsyo bilang punong-abalang lungsod ng kaunaunahang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init noong 21 Pebrero 2008.[11] Noong ika-12 ng Disyembre 2008, inihayag ng IOC na ang Innsbruck, punong-abalang lungsod ng ng 1964 at 1976 na Palarong Olimpiko sa Taglamig, ang magiging punong-abalang lungsod ng kaunaunahang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init noong 2012.[12]

Mga kakailanganin ng mga punong-abalang lunsod

Ang Palarong Olimpiko ng Kabataan ay sinadyang mas maliit kaysa sa Palarong Olimpiko upang mapadali para sa mas maliliit na mga lungsod na maglunsad ng kaganapang Olimpiko. Kinakailangan ng mga napipintong punong-abalang lungsod na mapanatili ang lahat ng mga kaganapan sa loob ng kanilang parehong lungsod at hindi dapat magtayo ng mga bagong lugar ng pampalakasan.[13] Hindi kabilang sa pagbabawal ng pagtatayo ng gusali ang buklurang sentrong pang-midya, mga pasilidad na amphitheater para sa mga klase at palihan, at isang nayon para sa mga manlalaro at tagasanay.[14] Ang nayon na ito ang magiging puso ng palaro para sa mga manlalaro, at ang sentro ng aktibidad.[15] Walang bago o natatanging mga sistema ng transportasyon ang kinakailangan sapagkat lahat ng mga manlalaro at tagsanayay ihahatid lulan ng mga lokal na sasakyan.[16] Ayon sa mga pamamaraan ng pagtataya, ang atletikong istadyum para sa pagbubukas at pagsasara ng mga seremonya ay dapat kasya para sa 10,000-katao, at ang isang lungsod ay dapat magkaroon ng 2,500-upuan na akwatikong pasilidad (para sa mga palarong tag-init).[17]

Pananalapi

Ang orihinal na tinatayang gastos para sa pagpapatakbo ng palaro ay nasa US $30 milyon para sa palarong tag-init at $15 hanggang $20 milyon para sa palarong taglamig Hindi kabilang sa halaga ang pagsasaayos ng imprastraktura para sa konstruksyon ng mga lugar. Itinakda ng IOC na ang gastusin para sa imprastraktura at mga lugar ay dapat sagutin ng punong-abalang lungsod.[12] Itinakda ng IOC na ang gastusin para sa imprastraktura at mga lugar ay dapat sagutin ng punong-abalang lungsod. Sasagutin naman ng IOC ang gastusin sa pagluwas sa punong-abalang lungsod at tuluyan ng mga manlalaro at hukom, na tinatayang nasa US$ 11 milyon. Magmumula ang pagpopondo mula sa IOC at hindi sa kikitaing pera.

Ang badyet para sa huling dalawang pagtatasa para sa kauna-unahang palaro sa tag-init na isinumite ng IOC ay tinatayang nasa US$ 90 milyon, labis na mas mataas kaysa sa tinayang gastos.[18] Umabot ang gastos ng unang Palarong Olimpikong Pangkabataan sa Tag-init sa Singapore sa SG$ 387 milyon (US$ 284 milyon).[17][19] Naging mabagal ang paglagda ng mga may panukala sa YOG dahil ito raw ay bagong proyekto lamang at hindi nakakasiguro ang mga korporasyon sa antas ng pagkahantad ang kanilang makukuha.[20] Ang badyet para sa kauna-unahang Palarong Olimpikong Pangkabataan sa Taglamig na ginanap sa Innsbruck ay tinayang naasa US$ 22.5 milyon, ngunit hindi kabilang rito ang pagsasayos imprastraktura at pagpapatayo ng mga gusali.[21]

Paglahok

Higit 200 bansa at 3,600 atleta ang lumahok sa kauna-unahang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init noong 2010.[22] Ang mga kalahok ay inilalagay sa mga sumusunod na pangkatang gulang; 14–15 taon, 16–17 taon, at 17-18 taon gulang.[23] Ang edad ng atleta ay tinutukoy kung gaano siya katanda siila sa ika-31 ng Disyembre ng taon kung kailan sila makikilahok sa YOG.[24] Ang pamantayan upang lumahok sa Youth Olympics ay tinutukoy ng IOC kasama ang International Sport Federations (ISF) para sa iba't ibang mga palakasan sa programa.[25]

Upang matiyak na ang lahat ng mga bansa ay kinakatawan sa YOG, itinatag ng IOC ang konsepto ng mga Puwestong Panlahat (Universal Places). Ang isang tiyak na bilang ng mga spot sa bawat kaganapan ay maiiwanang bukas para sa mga atleta mula sa mga hindi kinakatawan na mga bansa anuman ang mga kwalipikadong marka. Ito ay upang matiyak na ang bawat bansa ay maaaring magpadala ng hindi bababa sa apat na mga atleta sa bawat Palarong Olimpiko ng Kabataan.[26]

Para sa mga paligsahang pang-koponan, isang koponan sa bawat kontinente ang pahihintulutang lumahok kasama ang isang ikaanim na koponan maging kinatawan man ng punong-abalang bansa o bilang mungkahi ng IF na may pag-apruba ng IOC. May limit na dalawang koponan (isang lalaki at isang babae) ang bawat bansa.[27] Bilang panghuli, walang bansa ang maaaring magpasok ng higit sa 70 mga atleta sa indibidwal na palakasan.[28]

Mga laro

Tag-init

Lahat ng mga laro sa programa ng Palarong Olimpiko sa Tag-init, maging ang karamihan sa mga karagdagan larong napabilang sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 at 2024, ay kinatawan sa programa ng Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init. Karamihan sa mga palarong koponan ay gumagamit ng bersyon na may mas maliit na koponan, kabilang ang pagpalit sa karaniwang basketbol ng 3x3 basketbol, futbol ng futsal, handball ng beach handball, field hockey ng hockey 5s, indoor volleyball ng beach volleyball, at, sa 2026, beysbol ng baseball 5. Tatatak ang 2026 edisyon bilang ang kauna-unahang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init na may pantay na bilang ng mga ganap para sa mga lalaki at babae.[29]

Hindi tulad ng tradisyunal na Palaro, nakasalalay sa punong-abalang kumite upang mamili kung aling mga disiplina ang mabibilang na malalaro sa larong koponan. Dalawampung-pitong laro ang napabilang sa palarong 2010. Pinili ng punong-abalang kumite para sa palarong 2014 ang beach volleyball (bilang kapalit sa katumbas nitong panloob) at field hockey bilang karadagdang laro. Sa palarong 2018, anim na laro ang idinagdag: beach handball (pumapalit Sa panloob nitong katumbas), breakdancing, futsal (pumapalit sa katulad nitong katumbas), karate, roller speed skating, at sport climbing. Inaasahan na ang 28 larong Olimpiko ay mapapabilang sa larong 2026, matapos kumpirmahin noong 2020. [30][31]

Ang sumusunod na mga laro (o mga disiplina ng isang laro) ang bumbuo sa kasalukuyan at hinintong opisyal na palatuntunan ng Palarong Olimpikong Kabataan sa Tag-init at nakatala ng naka-alpabeto ayon sa pangalang gamit ng IOC. Ang mga ipinagpalibang laro ay dating bahagi ng programa ng Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init bilang mga opisiyal na laro, ngunit wala na ito sa kasalukuyang programa. Ang mga bilang sa bawat kahon ay ang bilang ng mga ganap para sa bawat larong kabilang sa bawat edisyon ng palaro; ang tuldok () ay nangangahulugan na ang laro ay napabilang bilang isang demonstrasyon; ang krus () ay nangangahulugan na ang laro ay tinampok bilang larong pang-ugnayan.

Sport Discipline Code & Pictogram Body 10 14 18 26
Archery Archery ARC World Archery 4 3 3 3
Aquatics Swimming SWM World Aquatics 34 36 36 28
Athletics Athletics ATH World Athletics 36 37 36 36
Badminton Badminton BDM BWF 2 3 3 2
Baseball Baseball5 BS5 WBSC 1
Basketball 3x3 basketball BK3 FIBA 2 4 4 2
Boxing Boxing BOX No body

recognised AIBA/IBA[sy 1][32]

11 11 13 10
Cycling Road cycling CRD UCI 4
Dance Sport Breaking BKG WDSF 3 2
Equestrian Show jumping EJP FEI 2 2 2 1
Fencing Fencing FEN FIE 7 7 7 6
Football Futsal FBS FIFA 2 2
Gymnastics Artistic gymnastics GAR FIG 12 12 12 5
Handball Beach handball HBB IHF 2 2
Judo JUD IHF 9 9 9 8
Rowing Coastal rowing ROC World Rowing 5
Rugby Rugby sevens RU7 World Rugby 2 2 2
Sailing SAL World Sailing 4 4 5 2
Skate sport Skateboarding SKB World Skate [[Skateboarding at the 2014 Summer Youth Olympics|Padron:Bigbullet]] 2
Table Tennis TTE ITTF 3 3 3 3
Taekwondo TKW World Taekwondo 10 10 10 11
Triathlon TRI World Triathlon 3 3 3 3
Volleyball Beach volleyball VBV FIVB 2 2 2
Wrestling Beach wrestling WRB UWW 8
Wushu WSU IWUF [[Wushu at the 2014 Summer Youth Olympics|Padron:Bigbullet]] 4
Aquatics Diving DIV World Aquatics 4 5 5
Canoe Canoe slalom CSL ICF 3 4 4
Canoe sprint CSP 3 4 4 ×
Cycling BMX freestyle CYC UCI 1
BMX racing BMX 1
Multi-discipline CYC 1 [sy 2] 3 [sy 2] 2 [sy 3]
Football Football FBL FIFA 2 2
Golf Golf GLF IGF 3 3 ×
Gymnastics Acrobatic gymnastics GAC FIG 1
Rhythmic gymnastics GRY 2 2 1
Trampoline gymnastics GTR 2 2 2
Multi-discipline GYM 1[sy 4]
Handball Indoor handball HBL IHF 2 2
Hockey Field hockey HOC FIH 2
Hockey5s HO5 2 2 ×
Karate KTE WKF 6 ×
Modern Pentathlon MPN UIPM 3 3 3 ×
Rowing Rowing ROW World Rowing 4 4 4
Shooting SHO ISSF 4 6 6 ×
Skate sport Inline speed skating ISS World Skate [[Inline speed skating at the 2014 Summer Youth Olympics|Padron:Bigbullet]] 2
Sport climbing CLB IFSC [[Sport climbing at the 2014 Summer Youth Olympics|Padron:Bigbullet]] 2 ×
Surfing SRF ISA ×
Tennis TEN ITF 4 5 5 ×
Volleyball Indoor volleyball VVO FIVB 2
Weightlifting WLF IWF 11 11 12 12
Wrestling Freestyle wrestling WRE UWW 9 9 10
Greco-Roman wrestling WRG 5 5 9
Total events 202 220 243 151
Total sports 33 35 41 25

Demonstration summer sports

Six sports have been demonstrated at the Summer Youth Olympics. Skateboarding, Sports Climbing, Inline Speed Skating, and Wushu were demonstrated at the 2014 games and included in subsequent editions. Three sports were demonstrated at the 2018 games and have not yet been included in subsequent editions:

Taglamig

16 sports, 46 disiplina sa Winter Youth Olympics sa pagitan ng 2012 Games hanggang sa 2020 Games. Sa 2012 na Laro sa Innsbruck at ang 2016 Games sa Lillehammer, mayroon lamang 15 na isport. Sa susunod na Mga Laro na magiging 2020 Mga Larong sa Lausanne, magkakaroon ng bagong isport na isinasagawa na ski mountaineering .

Kultura at edukasyon

Mga bandila ng mga kalahok na bansa sa 2010 Summer Youth Olympics

Ang edukasyon at kultura ay mga pangunahing sangkap para sa edisyon ng Kabataan. Hindi lamang ang aspeto ng edukasyon / kultura ay nalalapat sa mga atleta at kalahok, kundi pati na rin ang mga kabataan sa buong mundo at mga naninirahan sa host city at nakapaligid na mga rehiyon. Hanggang dito, isang Kultura at Edukasyon Program (CEP) ang itatampok sa bawat Palaro. Ang unang CEP sa 2010 Game sa Singapore ay nagtatampok ng mga kaganapan na nagtaguyod ng kooperasyon sa gitna ng mga atleta ng iba't ibang mga bansa. Mayroon itong mga klase sa mga paksa na nagmula sa kalusugan at fitness hanggang sa kapaligiran at pagpaplano ng karera. Ang mga lokal na mag-aaral mula sa Singapore ay gumawa ng mga booth sa World Culture Village na kumakatawan sa bawat isa sa 205 na kalahok na National Olympic Committee. Ang mga session sa Chat with Champions ang pinakapopular na bahagi ng programa. Inanyayahan ang mga kalahok na makinig ng mga pampasigla na pag-uusap na ibinigay ng dating at kasalukuyang mga atleta ng Olympic.

Bahagi rin ng CEP ay ang Young Ambassadors Program, Young Reporters Program at Athlete Role Models. Sa ilalim ng Young Ambassadors Program, ang isang pangkat ng mga kabataan na may edad 18 hanggang 25 taong gulang ay hinirang ng NOC upang makatulong na maisulong ang YOG sa kanilang mga rehiyon at pamayanan, at hikayatin ang mga atleta na lumahok sa mga programa ng CEP.

Nagbibigay ang Young Reporters Program mag-aaral ng journalism o mga kamakailan lamang na nagsimula sa kanilang journalism careers isang cross-platform mamamahayag-pagsasanay na programa at on-the-job na karanasan sa panahon ng YOG. Ang mga Young Reporters, sa pagitan ng edad na 18 at 24, ay pinili ng Continental Associations ng National Olympic Committee at kakatawan sa bawat isa sa limang kontinente.

Ang pagkilos bilang mga tagapayo upang makatulong na suportahan at payuhan ang mga batang taga-Olympia ay ang mga Athlete Role Models, na karaniwang aktibo o kamakailan lamang na nagretiro na mga Olimpiko na hinirang ng mga IF, tulad ng Japanese wrestler na si Kaori Icho, Italian Simone Farina at Namibian Frank Fredericks.

Ang pagbibigay diin sa palitan ay lumalampas sa CEP. Ang isa pang natatanging tampok ng Youth Olympic Games ay ang mga magkakasamang kasarian at magkakaibang-pambansang koponan. Ang mga relay ng Triathlon, fencing, table tennis, archery at halo-halong mga relay sa paglangoy ay ilan sa mga isport kung saan ang mga atleta mula sa iba't ibang mga bansa at halo-halong mga kasarian ay maaaring magkasama. Ang mga organisador ng YOG ay gumagamit din ng social media tulad ng Facebook, Flikr, at Twitter bilang mga pangunahing platform para sa pakikipagsapalaran sa mga batang atleta bago, habang, at pagkatapos ng bawat pagdiriwang ng Mga Laro. Ang mga kinakailangan sa multi-lingual, multi-cultural, at multi-edad ay ang mga target ng programa, na diin ang mga tema ng "Pag-aaral na malaman, pag-aaral na maging, pag-aaral na gawin, at pag-aaral upang mabuhay nang magkasama".

Talaan ng mga Palarong Olimpiko ng Kabataan

Noong unang bahagi ng Nobyembre 2007, ang Athens, Bangkok, Singapore, Moscow, at Turin ay napili ng IOC bilang ang limang mga lungsod na kandidato na magho-host ng inaugural Youth Olympic Games. Noong Enero 2008, ang mga kandidato ay karagdagang pared down sa Moscow at Singapore. Sa wakas, noong ika-21 ng Pebrero 2008, ang Singapore ay idineklara na host ng inaugural Youth Olympic Games 2010 sa pamamagitan ng live telecast mula sa Lausanne, Switzerland, na nanalo ng talento ng 53 boto hanggang 44 para sa Moscow.

Noong 2 Setyembre 2008 ay inihayag ng IOC na ang executive board ay may listahan ng apat na lungsod sa mga kandidato na magho-host ng unang Winter Youth Olympic Games noong 2012. Ang apat na mga lungsod na kandidato ay Harbin, Innsbruck, Kuopio, at Lillehammer. Itinalaga ng pangulo ng IOC na si Jacques Rogge si Pernilla Wiberg upang mangulo sa komisyon na sinuri ang mga proyekto. Tulad ng sa Mga Larong Tag-init, ang listahan ay pagkatapos ay pinaikling sa dalawang mga finalists, ang Innsbruck at Kuopio, noong Nobyembre 2008. Noong 12 Disyembre 2008, inihayag na talunin ng Innsbruck si Kuopio upang mag-host ng mga laro. Ang Nanjing, ang China ay napili ng IOC sa Poznan, Poland upang maging host-city ng 2014 Youth Olympics. Ang halalan ay ginanap noong 10 Pebrero 2010, dalawang araw bago magsimula ang 2010 Winter Olympics sa Vancouver. Ang Lillehammer, Norway ay nag-host ng 2016 Winter Youth Olympics.

Mga Larong Olimpiko sa Tag-init


Host cities of the Summer Youth Olympic Games
Edisyon Taon Host City Host Nation Binuksan ni Start Date End Date Mga Bansa Mga katunggali laro Mga Kaganapan Top of the medal table Ref.
I 2010 Singapore Singapore Singapore Pangulong SR Nathan 14 Agosto 26 Agosto 204 3,524 26 201  China (CHN)
II 2014 Republikang Bayan ng Tsina Nanjing Tsina Pangulong Xi Jinping 16 Agosto 28 Agosto 203 3,579 28 222  China (CHN)
III 2018 Arhentina Buenos Aires Arhentina Pangulong Mauricio Macri 6 Oktubre 18 Oktubre 206 3,997 32 239  Russia (RUS)
IV 2026 Senegal Dakar Senegal Pangulo ng Senegal (inaasahan) 22 Oktubre 9 Nobyembre Hinaharap na kaganapan 35 244 Hinaharap na kaganapan

Mga Larong Olimpiko sa Taglamig


Palarong Olimpiko ng Kabataan is located in Daigdig
2012
2012
2016
2016
2020
2020
2024
2024
Host cities of the Winter Youth Olympic Games
Edisyon Taon Host City Host Nation Binuksan ni Start Date End Date Mga Bansa Mga katunggali laro Mga Kaganapan Top of the medal table Ref.
I 2012 Austria Innsbruck Awstriya Pangulong Heinz Fischer 13 Enero 22 Enero 69 1,059 7 63  Germany (GER)
II 2016 Norway Lillehammer Norwega Haring Harald V 12 Pebrero 21 Pebrero 71 1,100 7 70  United States (USA)
III 2020 Switzerland Lausanne Switzerland Pangulong Simonetta Sommaruga 9 Enero 22 Enero 79 1,872 8 81  Russia (RUS)
IV 2024 Timog Korea Gangwon Timog Korea Punong Ministro ng Timog Korea (inaasahan) 19 Enero 2 Pebrero Hinaharap na kaganapan

Medal count

All-time Youth Olympic Games medal tableAll-time Youth Olympic Games medal table

Tingnan din

  • Mga Larong Pambata sa 1998
  • Mga Larong Pandaigdigang Pambata (edad 12–15)
  • Gymnasiade (edad 13-18)
  • Universiade (edad 17-25)
  • Kabataan (atletiko)
  1. "No kidding: Teens to get Youth Olympic Games". USA Today. 25 April 2007. Nakuha noong 19 May 2007.
  2. "FIS in favor of Youth Olympic Games". FIS. 8 May 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 September 2007. Nakuha noong 20 May 2007. Naka-arkibo 27 September 2007[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  3. "Rogge wants Youth Olympic Games". BBC Sport. 19 March 2007. Nakuha noong 19 May 2007.
  4. "IOC to Introduce Youth Olympic Games in 2010". 25 April 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2015. Nakuha noong 20 May 2007.
  5. "1st Summer Youth Olympic Games in 2010" (PDF). International Olympic Committee Department of Communications. 2007. p. 8. Inarkibo mula sa orihinal (pdf) noong 18 November 2007. Nakuha noong 24 August 2007.
  6. "Olympischer Frieden". Frankfurter Allgemeine Zeitung. 27 December 2010. Nakuha noong 4 February 2011.[patay na link]
  7. Stoneman, Michael. "Welcome to the Family". International Olympic Committee. Nakuha noong 20 May 2011.
  8. "Youth Olympic Games" (pdf). International Olympic Committee. p. 35. Nakuha noong 20 May 2011.
  9. "IOC Session: A "go" for Youth Olympic Games". International Olympic Committee. 5 July 2007. Nakuha noong 5 July 2007.
  10. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Marso 2012. Nakuha noong 20 Mayo 2011. Naka-arkibo 24 March 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  11. Wang, Jeanette. "Perfect Pitch" (PDF). International Olympic Committee. Nakuha noong 20 May 2011.
  12. 12.0 12.1 "Innsbruck Elected To Host the Inaugural Youth Olympic Winter Games In 2012". Gamebids.com. 12 December 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 December 2010. Nakuha noong 20 May 2011. Naka-arkibo 28 December 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  13. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Marso 2012. Nakuha noong 20 Mayo 2011. Naka-arkibo 24 March 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  14. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Marso 2012. Nakuha noong 20 Mayo 2011. Naka-arkibo 24 March 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  15. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Marso 2012. Nakuha noong 20 Mayo 2011. Naka-arkibo 24 March 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  16. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Marso 2012. Nakuha noong 20 Mayo 2011. Naka-arkibo 24 March 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  17. 17.0 17.1 "2018 Youth Olympic Games: Appraising Abuja's Bid Plan". Leadershipeditors.com. 19 March 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 April 2015. Nakuha noong 20 May 2011.
  18. Leyl, Sharanjit (15 August 2010). "Youth Olympic Games gamble for Singapore". BBC. Nakuha noong 20 May 2011.
  19. "Cost of Youth Games goes up three-fold An extra $265 million". Comsenz Inc. Nakuha noong 7 July 2011.[patay na link]
  20. Leyl, Sharanjit (15 August 2010). "Youth Olympic Games gamble for Singapore". BBC. Nakuha noong 20 May 2011.
  21. Leyl, Sharanjit (15 August 2010). "Youth Olympic Games gamble for Singapore". BBC. Nakuha noong 20 May 2011.
  22. "About Us". Singapore 2010 Youth Olympic Games. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 May 2012. Nakuha noong 19 May 2011.
  23. "Youth Olympic Games". International Olympic Committee. Nakuha noong 19 May 2011.
  24. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. February 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 March 2012. Nakuha noong 20 May 2011.
  25. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. February 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 March 2012. Nakuha noong 20 May 2011.
  26. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. February 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 March 2012. Nakuha noong 20 May 2011.
  27. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. February 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 March 2012. Nakuha noong 20 May 2011.
  28. "Factsheet Youth Olympic Games" (PDF). International Olympic Committee. February 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 March 2012. Nakuha noong 20 May 2011.
  29. International Olympic Committee. "Youth Olympic Games Dakar 2026 - Sports and Events Programme" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 December 2019. Nakuha noong 6 December 2019.
  30. International Olympic Committee. "Youth Olympic Games Dakar 2026 - Sports and Events Programme" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 December 2019. Nakuha noong 6 December 2019.
  31. "Senegal and the IOC agree to postpone the Youth Olympic Games Dakar 2022 to 2026". Olympics.com. 15 July 2020. Nakuha noong 21 February 2022.
  32. "IOC Session withdraws recognition of International Boxing Association". International Olympic Committee. 22 June 2023. Nakuha noong 14 July 2024.


Pasilip ng sanggunian

  1. Babala sa pagsipi: Hindi masisilip ang <ref> tag na may pangalang Boxing recognition dahil binigyang-kahulugan ito sa labas ng kasalukuyang bahagi, o di kaya'y wala itong kahulugan.
  2. 2.0 2.1 Babala sa pagsipi: Hindi masisilip ang <ref> tag na may pangalang Combined Cycling 2010, 2014 dahil binigyang-kahulugan ito sa labas ng kasalukuyang bahagi, o di kaya'y wala itong kahulugan.
  3. Babala sa pagsipi: Hindi masisilip ang <ref> tag na may pangalang Combined Cycling 2018 dahil binigyang-kahulugan ito sa labas ng kasalukuyang bahagi, o di kaya'y wala itong kahulugan.
  4. Babala sa pagsipi: Hindi masisilip ang <ref> tag na may pangalang Multi-discipline Gymnastics dahil binigyang-kahulugan ito sa labas ng kasalukuyang bahagi, o di kaya'y wala itong kahulugan.