Pambansang Aklatan ng Republikang Tseko

Pambansang Aklatan
ng Republikang Tseko
Baroque library hall in the National Library of the Czech Republic
BansaRepublikang Tseko
UriPambansang aklatan
Itinatag1777 (248 taon ang nakalipas) (1777)
LokasyonClementinum, Praga
Katayuwat50°5′14.62″N 14°25′2.58″E / 50.0873944°N 14.4173833°E / 50.0873944; 14.4173833
Koleksyon
Laki7,358,308 kabuuang aytem[1]
21,271 manuskrito[1]
c. 4,200 incunabula[2]
Iba pang impormasyon
DirektorTomáš Foltýn
Websaytnkp.cz

Ang Pambansang Aklatan ng Republikang Tseko (Tseko: Národní knihovna České republiky) ay ang sentrong aklatan ng Republikang Tseko. Pinamumunuan ito ng Ministeryo ng Kultura. Matatagpuan ang pangunahing gusali ng aklatan sa makasaysayang gusaling Clementinum sa gitna ng Praga, kung saan nakatago ang halos kalahati ng mga aklat nito. Nakaimbak naman ang isa pang kalahati ng koleksyon sa distrito ng Hostivař.[3] Pinakamalaking aklatan sa buong Republikang Tseko ang Pambansang Aklatan, na naglalaman ng halos 6 na milyong dokumento. Sa kasalukuyan, halos 20,000 ang rehistradong mambabasa nito.[1] Bagama't tekstong Tseko ang karamihan ng laman nito, may mga mas lumang libro sa aklatan mula sa Turkiya, Iran at Indiya.[4] Naglalaman din ang aklatan ng mga libro para sa Pamantasang Carlos sa Praga.[5]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Výroční zpráva Národní knihovny České republiky 2018 (PDF) (sa wikang Tseko). 2019. ISBN 978-80-7050-711-7. ISSN 1804-8625. Nakuha noong 30 Oktubre 2019. {cite book}: |journal= ignored (tulong)
  2. "Incunabula". www.nlp.cz. National Library of the Czech Republic. Nakuha noong 29 Hunyo 2014.
  3. "Need for new library intensifies" [Pangangailangan ng bagong aklatan, tumindi]. The Prague Post (sa wikang Ingles). 28 Mayo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2014. Nakuha noong 8 Mayo 2014.
  4. "National Library's rare prints and manuscripts at the click of a mouse" [Bihirang limbag at manuskrito ng Pambansang Aklatan sa isang klik ng mouse]. Radio Prague (sa wikang Ingles). 2005-11-24. Nakuha noong 2019-12-18.
  5. Tucker, Aviezer (18–24 Pebrero 2009). "Opinion" [Opinyon] (PDF). The Prague Post (sa wikang Ingles). Prague. p. A4. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 9 Mayo 2014. Nakuha noong 8 Mayo 2014.