Panahong Heisei

Heisei
平成
8 Enero 1989 – 30 Abril 2019
Si Emperador Akihito ng panahong Heisei (1990)
LokasyonHapon
Mga pangunahing pangyayari
Nakaraang sinundanShōwa
Sinundan ngReiwa
MonarkoAkihito

Ang Panahong Heisei (平成, Hapon: [heːseː]  ( makinig)) ay ang panahon sa kasaysayan ng Hapon na kaayon sa pamumuno ni Emperador Emerito Akihito mula 8 Enero 1989 hanggang sa kanyang pagbibitiw noong 30 Abril 2019. Nagsimula ang panahon noong 8 Enero 1989, ang araw pagkatapos mamatay ni Emperador Hirohito, nang ang kanyang anak, si Akihito, ay namana ang trono bilang ika-125 Emperador ng Hapon. Alinsunod sa kaugaliang Hapon, postumong pinalitan ang pangalan ni Hirohito sa "Emperador Shōwa" noong 31 Enero 1989.

Kaya, katumbas ang 1989 sa Shōwa 64 hanggang sa 7 Enero at ang Heisei 1 (平成元年, Heisei gannen, gannen nangangahulugang "unang taon") ay nagsimula noong 8 Enero. Natapos ang panahong Heisei noong 30 Abril 2019 (Heisei 31), sa pagbibitiw ni Akihito mula sa Tronong Krisantemo. Sinundan nito ang panahong Reiwa habang ang noo'y kinoronang prinsipe Naruhito ay minana ang trono noong 1 Mayo ng hatinggabi, lokal na oras.[1]

Kasaysayan at kahulugan

Dumalo si Keizō Obuchi sa komperensiya para sa mga mamahayag upang ipabatid ang bagong pangalan ng panahon na "Heisei". (7 Enero 1989)

Noong 7 Enero 1989, sa ganap na 07:55 AM JST, ipinabatid ng Maringal na Mayordomo ng Ahensiya ng Sambahayang Imperyal ng Hapon na si Shōichi Fujimori, na namatay na si Emperador Hirohito sa ganap na 6:33 AM JST, at hinayag sa unang pagkakataon ang detalye sa kanyang kanser. Dagli pagkatapos ng pagkamatay ng Emperador, ipinabatid ni Keizō Obuchi, na noo'y Hepe ng Kalihim ng Gabinete at Punong Ministro ng Hapon sa kalaunan, ang katapusan ng panahong Shōwa, at ipinahayag ang bagong pangalan ng panahon na "Heisei" para sa bagong Emperador, at ipinaliwanag ang kahulugan nito.

Ayon kay Obuchi, kinuha ang pangalang "Heisei" mula sa dalawang aklat ng kasaysayan at pilosopiya na Tsino, at ang mga ito ay ang Mga Tala ng Maringal na Mananalaysay (史記) at ang Aklat ng mga Dokumento (書経). Sa Mga Tala ng Maringal na Mananalaysay, isang pangungusap ang lumitaw sa isang seksyon na ipinagbubunyi ang marunong na pamumuno ng malaalamat na Tsinong Emperador Shun, na nakasaad ang "内平外成" (Kanbun: 内平かに外成る, Uchi tairaka ni soto naru). Sa Aklat ng mga Dokumento, lumilitaw ang pangungusap na "地平天成" (Kanbun: かに天, Chi tairaka ni ten naru, "kapayapaan sa langit at lupa"). Sa pagsasama ng parehong kahulugan, nilayon na ang kahulugan ng Heisei ay "kapayapaan kahit saan".[2] Agad nagkabisa ang panahong Heisei sa araw ng pagkatapos humalili si Emperador Akihito sa trono noong 7 Enero 1989.

Noong Agosto 2016, nagbigay si Emperador Akihito ng isang pahayag sa telebisyon para sa bansa, kung saan ipinahayag niya ang alalahanin sa edad na isang araw ay makakahadlang sa kanya na gampanin ang mga opisyal na tungkulin. Pagpahiwatig ito ng kanyang hiling na magretiro.[1] Nagpasa ang Diyetang Hapon ng isang batas noong Hunyo 2017 na payagan ipasa ang trono sa anak ni Akihito, si Naruhito.[1] Pagkatapos ng pagpupulong ng mga kasapi ng Konseho ng Kamarang Imperyal, ipinabatid ni Punong Ministro Shinzō Abe na 30 Abril 2019 ang petsang itinakda para sa pagbibitiw ni Akihito.[1] Nagsimula sa sumunod na araw ang panahon ng pamumuno ni Naruhito .[3]

Ekonomiya

Isang tiket ng riles na balido noong panahon ng Heisei 18 (2006 sa kaledaryong Greogoryano)

Gumuho ang ekonomiyang bula na nagpatuloy mula sa mga dulo ng ng panahong Shōwa.

Pinakamataas na 10 ayon sa kapitalisasyon ng merkado[4]
Ranggo Unang taon ng Heisei (1989) Huling taon ng Heisei (2019)
1 Hapon NTT
$163.8 billion
Estados Unidos Microsoft
$940.8 billion
2 Hapon Industrial Bank of Japan
$71.5 billion
Estados Unidos Apple Inc.
$895.6 billion
3 Hapon The Sumitomo Bank
$69.5 billion
Estados Unidos Amazon.com
$874.7 billion
4 Hapon Fuji Bank
$67.0 billion
Estados Unidos Alphabet Inc.
$818.1 billion
5 Hapon Dai-Ichi Kangyo Bank
$66.0 billion
Estados Unidos Berkshire Hathaway
$493.7 billion
6 Estados Unidos IBM
$64.6 billion
Estados Unidos Facebook
$475.7 billion
7 Hapon Mitsubishi Bank
$59.2 billion
Republikang Bayan ng Tsina Alibaba Group
$472.9 billion
8 Estados Unidos Exxon
$54.9 billion
Republikang Bayan ng Tsina Tencent
$440.9 billion
9 Hapon Tokyo Electric Power Company
$54.4 billion
Estados Unidos Johnson & Johnson
$372.2 billion
10 NetherlandsUnited Kingdom Royal Dutch Shell
$54.3 billion
Estados Unidos ExxonMobil
$342.1 billion

Tala ng pagpalit

Para palitan ang kahit anumang taon sa kalendaryong Gregoryano sa pagitan ng 1989 at 2019 sa taon sa kalendaryong Hapon sa panahong Heisei, kailangang ibawas ang 1988 mula sa taon na nasa taon ng Heisei.

Heisei 1 2 3 4 5 6 7 8
I II III IV V VI VII VIII
AD 1989 1990 1991 1992 1993 1994 1995 1996
MCMLXXXIX MCMXC MCMXCI MCMXCII MCMXCIII MCMXCIV MCMXCV MCMXCVI
Heisei 9 10 11 12 13 14 15 16
IX X XI XII XIII XIV XV XVI
AD 1997 1998 1999 2000 2001 2002 2003 2004
MCMXCVII MCMXCVIII MCMXCIX MM MMI MMII MMIII MMIV
Heisei 17 18 19 20 21 22 23 24
XVII XVIII XIX XX XXI XXII XXIII XXIV
AD 2005 2006 2007 2008 2009 2010 2011 2012
MMV MMVI MMVII MMVIII MMIX MMX MMXI MMXII
Heisei 25 26 27 28 29 30 31
XXV XXVI XXVII XXVIII XXIX XXX XXXI
AD 2013 2014 2015 2016 2017 2018 2019
MMXIII MMXIV MMXV MMXVI MMXVII MMXVIII MMXIX

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Japan's emperor to abdicate on April 30, 2019: gov't source". english.kyodonews.net (sa wikang Ingles). Kyodo News. 1 Disyembre 2017. Nakuha noong 1 Disyembre 2017.
  2. 「明治」の由来は何ですか? (sa wikang Hapones). Meiji Shrine. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2019. Nakuha noong 3 Mayo 2019.
  3. Kyodo, Jiji (3 Disyembre 2017). "Japan's publishers wait in suspense for next era name". The Japan Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Septiyembre 2019. Nakuha noong 31 Enero 2018. {cite news}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. "新経済連盟:仮想通貨・ブロックチェーンの「規制明確化」求める". Bitt Times (sa wikang Hapones). Nakuha noong Pebrero 8, 2022.