Ptolomeo III Euergetes

Si Ptolomeo III Euergetes (Griyego: Πτολεμαῖος Εὐεργέτης, romanisado: Ptolemaios Euergetes, "Ptolomeo ang Benepaktor"; c. 280 – Nobyembre/Disyembre 222 BCE) ang ikatlong paraon ng Kahariang Ptolemaiko mula 246 hanggang 222 BCE. Nakamit ng Kahariang Ptolemaiko ang rurok ng kapangyarihang ekonomiko at militaryo sa ilalim ng kanyang pamumuno na sinimulan ng kanyang amang si Ptolomeo II Philadelphus.

Si Ptolomeo III ang nakakatandang anak na lalake ni Ptolomeo II Philadelphus at Arsinoe I. Nang siya ay bata, ang kanyang ina ay nalagay sa kahihiyan at si Ptolomeo III ay inalis sa paghalili ng trono ng kanyang ama. Siya ay muling ibinalik na tagapagmana ng trono noong mga huli nang 250 BCE at humalili sa kanyang ama noong 246 BCE. Kanyang pinakasalan si Berenice III na reyna ng Cyrenaica na nagdala ng kanyang teritoryo sa pamumunong Ptolemaiko. Sa Ikatlong Digmaang Syrio (246 BCE-241 BCE), sinakop ni Ptolomeo III ang Imperyong Seleucid at halos magwagi ngunit napilitang abandonahin ang digmaan dahil sa pag-aalsa sa Ehipto. Pagkatapos ng himagsikan, nakipagtipan si Ptolomeo III sa mga elitistang Dakilang Saserdote ng Ehipto na inilagay sa kautusang Canopus nang 238 BCE. Sa Dagat Egeo, siya ay natalo ng mga Antigonid sa Labanan ng Andros noong 246 BCE. Siya ay hinalinhan sa trono ng kanyang anak na si Ptolomeo IV Philopator.

Mga sanggunian

  1. Clayton (2006) p. 208
  2. 2.0 2.1 2.2 Babala sa pagsipi: Hindi masisilip ang <ref> tag na may pangalang CBP3 dahil binigyang-kahulugan ito sa labas ng kasalukuyang bahagi, o di kaya'y wala itong kahulugan.