Pundasyong Wikimedia

Ang Wikimedia Foundation Inc. ay ang pangunahing organisasyong ng Wikipedia, Wiktionary, Wikiquote, Wikibooks (kabilang ang Wikijunior at Wikiversity), Wikisource, In Memoriam 9/11, Wikimedia Commons, Wikispecies, at Wikinews. Isa itong korporasyong non-profit na naka-base sa St. Petersburg, Florida, Estados Unidos, at naka-organisa sa ilalim ng mga batas ng Florida. Noong Hunyo 20, 2003, opisyal na ipinahayag ni CEO at nagtatag ng Wikipedia Jimmy Wales sa Wikia ang pagtatag nito. Ang pagpapatibay nito ng U.S. Internal Revenue Service, sa pamamagitan ng isang sulat noong Abril 2005, bilang isang edukasyonal na foundation sa kategoryang "Adult, Continuing Education" ay nangangahulugang na lahat ng mga kontribusyon sa Wikimedia Foundation ay babawasan ng buwis para sa layuning U.S. federal income tax[1].

References

  1. Wikipedia donors willing to pay – so long as they don’t see Jimmy Wales - ft.com

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.