SPQR

Daglat na Latin ng senatus populusque Romanus na nakaukit sa bato.
Salaang takip pandaluyan ng tubig sa isang lansangan sa Roma na may nakatatak na SPQR.

Ang SPQR ay isang daglat sa Latin na nangangahulugang Senatus Populusque Romanus (Klasikong Latin: [s̠ɛˈnäːt̪ʊs̠ pɔpʊˈɫ̪ʊs̠kʷɛ roːˈmäːnʊs̠]) na sa Tagalog ay Ang Lupon ng Matatanda at ang mga Tao sa Roma. Tinutukoy nito ang pamahalaan ng sinaunang Republikang Romano.

Makikita ito sa mga pananalaping Romao, sa dulo ng mga dokumento na ginawa para sa publiko sa pamamagitan ng inskripsiyong nasa bato o metal, at sa mga dedikasyon ng bantayog, at sa mga gawang publiko at sibiko. Matatagpuan din ito sa mga panlungsod na sagisag ng makabagong lungsod ng Roma, sa karamihan ng mga panlungsod na gusali, at pati na rin sa mga takip ng mararaming manhole sa lungsod.

Makikita ang buong parirala sa pampolitika, legal, at pangkasaysayang panitikang Romano, tulad ng mga talumpati ni Ciceron at Ab Urbe Condita Libri ("Mga Aklat mula sa Pagkakatatag ng Lungsod") ng Livy.

Konteksto sa kasaysayan

Simula 1184, tinatatakan ng Komuna ng Roma ang mga barya sa ngalan ng SENATVS P Q R. Mula 1414 hanggang 1517, tinatatakan ng Senadong Romano ang mga barya na may isang kalasag na may inskripsyon na SPQR.[1]

Mga sanggunian

  1. Monete e Zecche Medievalli Italiane, Elio Biaggi, mga baryang 2081 at 2141