Sandata ng malawakang pagkawasak
Ang mgs sandata ng malawakang pagkawasak o weapons of mass destruction (WMD o WoMD) ay ang katawagan sa Ingles para sa mga sandatang nakapagdurulot ng malawakan at nakamamatay ng malaking bilang ng mga tao. Sa pangkalahatan, itinuturing ang mga sumusunod na mga sandata bilang mga sandatang nakapipinsala nang malawakan at malaki, na tinatawag ding mga sandata ng malawakang pinsala, mga sandata ng malakihang pinsala, mga sandata ng malaganap na pagkawasak o mga sandata ng laganap na pagkasira:
- mga sandatang kimikal, katulad ng mga gas na nakalalason (halimbawa na ang mga gas na pangnerb)
- mga sandatang biyolohikal (ahenteng biyolohikal), na karaniwang mga patoheno o mga germ, o iba pang maliliit na mga bagay na buhay na nakapagsasanhi ng karamdaman o sakit (halimbawa na ang bulutong o anthrax)
- mga sandatang nukleyar[1]
- mga sandatang radyolohikal
- iba pang mga sandata na nakapapatay at nakapagbibigay ng malaking pinsala sa malaking dami ng mga tao o nakapagdurulot ng malaking pinsala sa mga kayariang gawa ng mga tao (katulad ng mga gusali), mga kayariang likas (katulad ng mga bundok), o ng biyospera. Ang sakop at paggamit ng kataga ay umunlad at pinagtalunan, na kadalasang nagiging panandang pampulitika kaysa teknikal. Inimbento ang kataga bilang pantukoy sa pagbobombang pang-estratehiya mula sa himpapawid na gumagamit ng mga pampasabog na kimikal, ang katawagan ay naging kaiba at bukod sa mga sandatang maramihan ng ibang mga teknolohiya, katulad ng mga nabanggit na sa itaas. Naging kaiba ang kataga mula sa mga teknikal na katulad ng chemical, biological, radiological, and nuclear weapons (CBRN) (mga sandatang kimikal, biyolohikal, radyolohikal, at nukleyar).
Ang unang nakatalang paggamit ng katagang Ingles na "weapon of mass destruction" ay ang paggamit ni Cosmo Gordon Lang, Arsobispo ng Canterbury noong 1937 bilang pagtukoy sa panghimpapawid na pagbobomba ng Guernica, Espanya.[2]
Mga sanggunian
May kaugnay na midya tungkol sa Weapons of mass destruction ang Wikimedia Commons.