Surah Al-Mursalat

Sura 77 ng Quran
المرسلات
Al-Mursalāt
Yaong Mga Ipinapadala (Na Mga Hangin O Mga Anghel)[1]
KlasipikasyonMakkan
Blg. ng Ruku2
Blg. ng talata50
Blg. ng zalita181
Blg. ng titik841

Ang al-Mursalāt (Arabe: المرسلات‎, "Ang mga Emisaryo", "Mga Ipinapadalang Hangin") ay ang ika-77 kabanata (sura) ng Quran na may 50 talata.[2] Kinuha ang pangalan ng kabanata mula sa salitang wal-mursalat sa unang talata.[3] Nakikita ang paksa na magbigay ng katunayan na naihayag ito noong pinakamaagang panahon ng Makkah. Kung babasahin ang surah na ito kasama ang dalawang surah bago nito, ang Al-Qiyamah at Ad-Dahr, at ang dalawang surah na sumunod dito, ang An-Naba at An-Naziat, nagiging halata na ang lahat ng mga surah na ito ay mga pahayag ng parehong panahon, at tinatalakay nito ang isa at ang parehong tema, na nakamarka na sa mga tao sa Makkah sa iba't ibang kaparaanan.[4]

Buod

1-7 Panunumpa ng mga mensahero ng Diyos na hindi maiiwasan ang araw ng paghuhukom
8-15 Pighati sa araw na iyon sa mga nag-akusa kay Muhammad ng pagpapanggap
16-19 Sa dating panahon, nawasak ang taong walang pananampalataya sa kanilang pag-akusa sa mga propeta ng pagpapanggap
20-28 Diyos ang Manlilikha ng lahat ng bagay, samakatuwid, pighati sa mga nag-aakusa sa kanyang mga mensahero ng pagpapanggap
29-40 Ang pighati sa mga napunta sa impyerno para sa pagtawag sa kanilang mga propeta bilang manlilinlang
41-44 Ang kagalakan sa mga hindi tinatawag na manlilinlang ang mga propeta
45-50 Nalampasan ng mga walang pananampalatayang Quarysh ng mga pighati ng araw ng paghuhukom [5]

Mga sanggunian