Tainga

Kaliwang tainga ng tao.

Ang tenga o tainga (Ingles: ear o ears) ang organong pandama na ginagamit sa pandinig ng mga tunog. May pagkakapareho sa kanilang biolohiya ang mga bertebrado, mula sa mga isda hanggang sa mga tao, na may pagkakaiba lamang sa istraktura ng tenga ayon sa sari at uri. Gumaganap lamang na tagatanggap ng tunog ang tenga, subalit mayroon ding ginagampanan sa pandamang panimbang at posisyon ng katawan. Bahagi sistemang auditoryo ang tainga. Tumutukoy ang pang-uring aural (huwag ikalito sa salitang aura) sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa tainga.[1]

Sa halos lahat ng mga hayop, ang nakikitang tenga ay isang pilas ng laman na karaniwan ding tinatawag na pinna sa larangan ng anatomiya. Sa anatomiya ng tao, kilala ang pinna bilang aurikulo (Ingles: auricle). May isang pares ng mga tenga ang mga bertebrado, na nakalagay sa magkapantay (simetriko) na lugar sa magkabilang gilid ng ulo. Nakatutulong ang pagkakaayos na ito sa kakayahang tumuon sa pinanggagalingan at kinaroroonan ng mga tunog.

Punsiyon

Pandinig

Paano gumagana ang pandinig? Ibinibigay ng isang artikulo sa IEEE Spectrum (IEEE ay binibigkas na (sa Ingles) I-triple-E) ang isang talataan tungkol sa paksa:

Sa taingang gumagana ng tao, ang mga alon ng tunog ay dumadaloy sa daluyan ng tainga at itinatakda sa paggalaw ang bamban ng tainga, at gayon din ito ay nagvivibrate ng napakaliliit na buto sa gitnang tainga. Lumilipat ang itong mga buto ng mga vibration sa cochlea, isang hugis kuhol na istruktura na halos kasing laki ng isang tsitsaro. Sa loob ng cochlea na puno ng likido, ang isang balamban ay gumagawa ng mga kilapsaw bilang tugon sa mga vibration ng tunog, at ginagalaw ng mga kilapsaw na iyon ang mga bungkos ng mga pandamang mga selula ng buhok na nangangalitaw sa ibabaw ng balambang iyon. Ang mga itong paggalaw ay nagiging sanhi ng mga selula na maglabas ng mga neurotransmitter na nagdudulot ng isang elektrikal na signal sa mga neuron ng mga nerbiyong cochlear. Ang lahat ng mga itong elektrikal na signal ay nag-eencode ng tunog, at nagbibiyahe ang signal sa nerbiyo hanggang sa utak. Hindi alintana kung aling dalasan ng tunog ang kanilang i-eencode, ang mga cochlear na neuron ay kinakatawan ang kasinsinan ng tunog sa pamamagitan ng antas at tiyempo ng nilang elektrikal na signal: Ang antas ng putok ay maaaring umabot sa ilang daang hertz, at tiyempo ay nakakagawa ng katumpakan nang submilisegundo. [2]

Panimbang

Mga sanggunian

  1. Robinson, Victor, pat. (1939). "Aural, ipinaliwanag sa ilalim ng paksang aurist". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 63.
  2. Moser, Tobias (Setyembre 2022). "Restoring Hearing With Beams of Light". IEEE Spectrum (sa Ingles). Bol. 59, blg. 9. p. 32. Nakuha noong 28 Hulyo 2023. In a functioning human ear, sound waves are channeled down the ear canal and set the ear drum in motion, which in turn vibrates tiny bones in the middle ear. Those bones transfer the vibrations to the inner ear's cochlea, a snail-shaped structure about the size of a pea. Inside the fluid-filled cochlea, a membrane ripples in response to sound vibrations, and those ripples move bundles of sensory hair cells that project from the surface of that membrane. These movements trigger the hair cells to release neurotransmitters that cause an electrical signal in the neurons of the cochlear nerve. All these electrical signals encode the sound, and the signal travels up the nerve to the brain. Regardless of which sound frequency they encode, the cochlear neurons represent sound intensity by the rate and timing of their electrical signals: The firing rate can reach a few hundred hertz, and the timing can achieve submillisecond precision.

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.