Dekada_2020

Milenyo: ika-3 milenyo
Dantaon:
Dekada:
Taon:
Pag-iskan ng mikroskopyong elektron na imahe ng SARS-CoV-2 (gitna, dilaw), ang bayrus na sanhi ng COVID-19, kung saan naging isang pandemya noong taong 2020.

Ang dekada 2020 ay ang kasalukuyang dekada ng kalendaryong Gregoryano na nagsimula noong Enero 1, 2020, at matatapos sa Disyembre 31, 2029.

Nang nagsimula ang dekada, lumaganap ang pandemya ng COVID-19 sa buong mundo, na nagdulot ng paggambala sa lipunan at ekonomiya.

Kalusugan

Pandemya

Kaganapan Petsa Mga impeksyon at kamatayan Deskripsyon
Pandemya ng COVID-19 2019 – kasalukuyan 125 milyon+ na kumpirmadong kaso at 2.7 milyon+ na namatay sa higit sa 230 bansa at teritoryo na naiulat noong 24 Marso 2021.[1]
HIV/AIDS 1981 – kasalukuyan 37.9 milyong tao na namumuhay na may HIV (katapusan ng 2018), 24.5 milyong tao ang kumukuha ng terapewtikang antiretroviral (katapusan ng 2019), 32.0 milyon namatay mula sa mga sakit na kaugnayan sa AIDS simula nang nagsimula ang epidemya (katapusan ng 2018)[2]

Agham at teknolohiya

Artipisyal na Intelihensya

  • Nalutas ng Deepmind ang suliranin sa pagtiklop ng protina na hanggang 90 bahagdan na ganap na kawastuhan, isang 50-taong malaking hamon, sa CASP14 noong 2020.[3][4]

Komunikasyon at elektronika

  • Nagsanib ang T-Mobile USA at Sprint noong 1 Abril 2020.[5]
  • Naging laganap ang 5G noong 2020.

Software at elektronikang platporma

  • Natapos ang suporta para sa Adobe Flash Player noong 31 Disyembre 2020.

Lipunan

Populasyon

  • Umabot na ang populasyon ng Ehipto sa 100 milyon noong Pebrero 2020.[6]
  • Nalagpasan ng India ang Tsina sa pinakamataong bansa sa buong mundo ayon sa pagtatantsa noong Abril 2023.[7]

Lahi

Nagdulot ang pagpatay kay George Floyd ng maraming protesta at kaguluhan sa Estados Unidos at sa internasyunal noong 2020. Ang sinabing layunin ng protesta ay ang katapusan ng brutalidad ng pulis at hindi pagkapantay-pantay ng lahi.

Kalinangan

Moda

Nagkaroon ng malaking inspirasyon ang nauusong moda noong maagang dekada 2020 sa dekada 2000.[8][9][10] Ang pagsuot ng pandekorasyong maskara upang maiwasan ang sakit na COVID-19 sa pagkalat ay isang nausong moda noong maagang dekada 2020.[11]

Pelikula

Nailabas ang ilang pelikula at ibang paparating na pelikula sa mga platapormang streaming imbis sa mga sinehan dahil sa pandemya ng COVID-19. Isang kapansin-panis na halimbawa, na iilang pelikula, ay nailabas din na sabay-sabay sa parehong sinehan at platapormang streaming.

Telebisyon

Nagsimula ang dekada 2020 sa mga pangunahing serbisyong streaming na Netflix, Amazon Prime, HBO Max, Hulu at Disney+. Patuloy na bumagsak sa popularidad ang telebisyong kaybol at telebisyong satelayt at hindi na ganoong kalaganap tulad noong dekada 2010 at mga dekada pa na nagdaan.

Musika

Si Charli D'Amelio, isa sa mga pinakasikat na nagti-tiktok na may higit sa 100 milyong tagasubaybay sa app.

Noong 2020, naging mahalaga ang TikTok bilang plataporma ng musika.[12] Dumami ang pag-stream na plataporma tulad ng sa Spotify at Apple Music dulot ng pandemyang COVID-19. Nakansela ang mga pista tulad ng Coachella dahil sa bayrus. Nasira ng pandemyang COVID-19 ang negosyo ng paglilibot.[13]

Mga sanggunian

  1. "Coronavirus Update (Live)" (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 January 2020. Nakuha noong 20 Marso 2020.
  2. "Global HIV & AIDS statistics — 2019 fact sheet". UNAIDS (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Disyembre 2019. Nakuha noong 28 March 2020.
  3. "'It will change everything': DeepMind's AI makes gigantic leap in solving protein structures". Nature.com (sa Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2021.
  4. "AlphaFold: A Solution to a 50 Year Old Grand Challenge in Biology". Deepmind.com (sa Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2021.
  5. "T-Mobile Completes Merger with Sprint to Create the New T-Mobile" (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-01. Nakuha noong 23 April 2020.
  6. "Egypt's population hits 100 million". Middle East Monitor (sa Ingles). Middle East Monitor. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2020. Nakuha noong 18 Pebrero 2020.
  7. Zhang, Jace; Smith, Alexander (2023-04-21). "China slams the West as India becomes world's most population country". www.nbcnews.com (sa Ingles). Nakuha noong 2024-02-20.
  8. Rhys McKay, pat. (25 Pebrero 2020). "The 10 Best Trends From 2000s Fashion For Men" (sa Ingles). Who. Nakuha noong 25 Setyembre 2020.
  9. Diandra Malivindi, pat. (27 Mayo 2020). "9 Trends From The 2000s That Are Surprisingly Back In Style" (sa Ingles). InStyle. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2020. Nakuha noong 25 Setyembre 2020.
  10. "Gen Z Is Bringing the 2000s Back...Here's How Brands Can Keep Up" (sa Ingles). YPulse. 18 Pebrero 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2020. Nakuha noong 25 Setyembre 2020.
  11. Elizabeth Segran, pat. (Abril 23, 2020). "The hot fashion accessory of 2020? Masks, masks, and more masks" (sa Ingles). Fast Company. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Marso 25, 2022. Nakuha noong Enero 20, 2021.
  12. Abril 22, 2020, 11:33 AM·7 min. na pagbasa (2020-04-22). "How TikTok became 2020's most important music platform — from 'Old Town Road' to 'Toosie Slide'" (sa Ingles). Yahoo.com. Nakuha noong 2021-01-20.{cite web}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  13. Wood, Mikael (Hulyo 9, 2020). "How the music business is faring amid the COVID-19 pandemic". www.latimes.com (sa Ingles). Nakuha noong 2021-01-20.