2024

Dantaon: ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon
Dekada: Dekada 1990  Dekada 2000  Dekada 2010  - Dekada 2020 -  Dekada 2030  Dekada 2040  Dekada 2050

Taon: 2021 2022 2023 - 2024 - 2025 2026 2027

Ang 2024 (MMXXIV) ay ang isang karaniwang taon na magsisimula sa Lunes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2024 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-24 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-24 taon ng ika-21 dantaon, at ang ika-5 na taon ng dekada 2020.

Mga pangyayari

Enero

  • Enero 1
    • Ang Republika ng Artsakh ay pormal na binuwag habang ang Nagorno-Karabakh ay sasama na sa Azerbaijan.[1]
    • Isang 7.5 Mw na lindol ang tumama sa kanlurang baybayin ng Hapon, na ikinamatay ng hindi bababa sa 126 katao at ikinasugat ng iba pang 611 katao.[2] Isa pang lima ang nasawi sa susunod na araw nang ang isang sasakyang panghimpapawid ng Tanod Baybayin na may dalang humanitarian aid ay bumangga sa isang jet pampasahero ng Japan Airlines, kung saan nasira ang parehong sasakyang panghimpapawid. Lahat ng 379 katao na sakay ng pampasaherong jet ay ligtas na inilikas.[3]
  • Enero 11 – Inagaw ng Estados Unidos ang kontrol at kalaunan ay pinalubog ang isang Iranian dhow, na naghahatid ng mga suplay sa kilusan ng Houthi. Ang operasyon ay nagreresulta sa pagkahuli ng buong tauhan ng barko at dalawang U.S. Navy SEAL ang nawala sa dagat.[4][5]
  • Enero 12 – Operation Prosperity Guardian: Isang koalisyon na pinamumunuan ng Estados Unidos ay naglunsad ng mga air strike o pagsalakay mula sa himpapawid sa mga lokasyon ng militanteng Houthi sa Yemen, na minarkahan ang pagganti sa mga pag-atake ng mga Houthi sa mga barko na nasa Dagat Pula.[6]
  • Enero 16 – Nagsagawa ang Iran ng mga pag-atake ng misil at drone sa loob ng lalawigan ng Balochistan sa Pakistan, na sinasabing pinagtutuunan nila ng pansin ang Iranyong militanteng grupong Baloch na Jaish ul-Adl.[7]
  • Enero 19 – Ang bansang Hapon ay naging ikalimang bansa na nakamit ang malambot na pagbaba sa Buwan, kasama ang misyong SLIM nito.[8][9]

Pebrero

  • Pebrero 2 – Naglunsad ang Estados Unidos ng mga airstrike sa 85 nakatarget sa Iraq at Syria bilang tugon sa isang nakamamatay na pag-atake ng drone sa base militar ng US.[10]
  • Pebrero 14 – Pangkalahatang halalan sa Indonesia noong 2024: Itinatag ng mga opisyal na quick count ng mga tabulator ng gobyerno ang dating opisyal ng militar na si Prabowo Subianto bilang panalo sa halalan sa pagkapangulo habang nakabinbin ang mga huling resulta na ilalabas sa Marso.[11]
  • Pebrero 29 – Masaker sa Al-Rahid: Pinagbabaril ng mga Sundalo ng Israel Defense Forces ang isang pulutong ng mga sibilyan sa Lungsod ng Gaza, na ikinamatay ng mahigit isang daan.[12]

Mga sanggunian

  1. Ebel, Francesca (28 Setyembre 2023). "Defeated by force, Nagorno-Karabakh government declares it will dissolve". The Washington Post (sa Ingles). Nakuha noong 28 Setyembre 2023.
  2. "M 7.5 - 42 km NE of Anamizu, Japan" (sa Ingles). United States Geological Survey. 1 Enero 2024. Nakuha noong 1 Enero 2024.
  3. "JAL plane on fire at Haneda Airport after colliding with Japan Coast Guard plane". NHK WORLD (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2024. Nakuha noong 2 Enero 2024.
  4. Gambrell, Jon; Becatoros, Elena; Copp, Tara (16 Enero 2024). "US military seizes Iranian missile parts bound for Houthi rebels in raid where 2 SEALs went missing" (Artikulong balita). AP News (sa Ingles). Jerusalem: Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.
  5. United States Department of Defense (16 Enero 2024). "USCENTCOM Seizes Iranian Advanced Conventional Weapons Bound for Houthis" (Nilabas sa mamahayag). U.S. Central Command (sa Ingles). United States Central Command (CENTCOM): United States federal government. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 January 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.
  6. "U.S.-led coalition strikes Iran-aligned Houthi militants in Yemen". The Washington Post (sa Ingles).
  7. Hallam, Jonny; Khan, Asim; Regan, Helen (17 Enero 2024). "Pakistan condemns deadly Iranian missile strike on its territory as an 'unprovoked violation'" (sa Ingles). CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.
  8. "Japan makes contact with 'Moon Sniper' on lunar surface". BBC News (sa Ingles). 19 Enero 2024. Nakuha noong 19 Enero 2024.
  9. "Japan's 'Moon Sniper' made successful 'pin-point' landing, says space agency". France 24 (sa Ingles). 25 Enero 2024. Nakuha noong 25 Enero 2024.
  10. "CENTCOM Statement on U.S. Strikes in Iraq and Syria". CENTCOM. 2 February 2024. Nakuha noong 4 February 2024.
  11. "Former Indonesian general linked to human rights abuses claims victory in presidential election". AP News (sa Ingles). 2024-02-13. Nakuha noong 2024-02-20.
  12. "More than 100 killed as Israeli troops open fire on Gazans crowded around aid convoy". NBC News (sa Ingles). 2024-02-29. Nakuha noong 2024-02-29.