Araling pangkasarian

Ang araling pangkasarian o pag-aaral na pangkasarian (Ingles: gender studies) ay isang larangan ng araling interdisiplinaryo at larangang pang-akademiya na nakalaan sa pagkakakilanlang pangkasarian at representasyong pangkasarian bilang pangunahing mga kategorya ng pagsusuri. Ang larangang ito ay kinabibilangan ng araling pangkababaihan (hinggil sa kababaihan, peminismo, kasarian, at politika), araling pangkalalakihan, at araling LGBT.[1] Kung minsan, ang araling makakasarian ay iniaalok na kapiling ang araling pangseksuwalidad. Ang mga disiplinang ito ay nagsasagawa ng mga pag-aaral na nauukol sa kasarian at seksuwalidad na nasa loob ng larangan ng panitikan at wika, kasaysayan, agham na pampolitika, sosyolohiya, antropolohiya, araling pangsine at araling pangmidya, kaunlarang pantao, batas, at medisina.[2] Sinusuri rin nito ang lahi o lipi, kaetnikahan, lokasyon, kabansaan, at kapansanan.[3][4]

Maraming mga uri ng araling pangkasarian. Ang isang pananaw na inihayag ng pilosopong si Simone de Beauvoir ay nagsasabing: “Ang isa[ng tao] ay hindi ipinanganak na isang babae, ang isa[ng tao] ay nagiging isa[ng babae]”.[5] Ipinapanukala ng pananaw na ito na sa araling pangkasarian, ang katagang “kasarian” ay dapat na gamitin upang tumukoy sa mga konstruksiyong panlipunan at pangkultura ng mga pagkalalaki at mga pagkababae, hindi sa isang katayuan ng pagiging lalaki o babae sa kabuoan nito.[6] Subalit, ang pananaw na ito ay hindi pinanghahawakan ng lahat ng mga teoristang pangkasarian. Ang ibang pook sa araling pangkasarian ay malapitang sumusuri sa gampanin na mayroon ang mga kalagayang pambiyolohiya ng pagiging lalaki o babae (mga paliwanag na pang-anatomiya, pampisyolohiya, at panghenetika hinggil sa mga bahaging pangkatawan ng lalaki at babae, kayarian at kalikasan ng mga tungkulin ng mga organong pangkatawan, mga tagapagdalang panghenetika, atbp.) sa mga kayariang panlipunan ng kasarian. Mas tiyak na ang sa kung paanong paraan ang mga gampaning pangkasarian ay binibigyang kahulugan ng biyolohiya at kung paanong ang mga ito ay binibigyang kahulugan ng mga kinagawian na pangkultura. Lumitaw ang larangan magmula sa isang bilang ng iba’t ibang mga pook: ang sosyolohiya noong dekada ng 1950 at sa pagdaka (tingnan ang Sosyolohiya ng kasarian); ang mga teoriya ng sikoanalistang si Jacques Lacan; at mga gawa ng mga peminista o makababaeng si Judith Butler.

Ang kasarian ay isang mahalagang pook ng pag-aaral sa maraming mga disiplina, katulad na ng teoriyang pampanitikan, araling pandrama, teoriyang pampelikula, teoriya ng pagganap, kontemporaryong kasaysayang pangsining, antropolohiya, sosyolohiya, sikolohiya at sikoanalisis. Sa paminsan-minsan, ang mga disiplinang ito ay nagkakaiba-iba sa kanilang mga paraan ng pagharap sa kung paano at kung bakit nila pinag-aaralan ang kasarian. Halimbawa na ang sa antropolohiya, sosyolohiya at sikolohiya, ang kasarian ay madalas na pinag-aaralan bilang isang gawain, habang sa araling pangkultura naman ang mga representasyon o pagkakatawan sa kasarian ay mas kadalasang sinusuri. Sa politika, ang kasarian ay maaaring tanawin bilang isang diskursong pampundasyon na ginagamit ng makapolitikang mga tao upang maipuwesto ang kani-kanilang mga sarili sa isang kasamu’t sarian ng mga paksa.[7] Isa ring disiplina ang araling pangkasarian: interdisiplinaryong pook ng pag-aaral na nagsasama ng mga kaparaanan at mga paraan ng pagharap na nagmula sa isang malawak na kasaklawan ng mga disiplina.[8]

Bawat isa sa mga larangang ito ang sumasaalang-alang sa “kasarian” bilang isang Gawain, na paminsan-minsang tinutukoy bilang isang bagay na pagbigkas na perpormatibo o pagsambit na pampagganap.[9] Ang teoriyang peminista ng sikoanalisis, na pangunahing pinagkakalandakan nina Julia Kristeva[10] (the "semiotic" and "abjection") at Bracha Ettinger[11] (ang tinatawag na feminine-prematernal-maternal matrixial Eros of borderlinking and com-passion o literal na “makababae, prematernal [bago ang pagsabi ng pagiging maka-ina], at maternal [pang-ina o maka-ina] na pangmatris na Eros ng pag-uugnay ng hangganan at pakikiramay”,[12] "matrixial trans-subjectivity" o “pangmatris na paglilipat na may pagkasubhetibo” at ang "primal mother-phantasies" o “nauunang mga pantasyang pang-ina”), na ipinagbigay-alam nina Freud, Lacan at ng teoriya ng ugnayang pang-obheto, ay napaka nakaimpluwensiya sa araling pangkasarian.

Mga sanggunian

  1. "Gender Studies". Whitman College. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2012. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
  2. "About - Center for the Study of Gender and Sexuality (CSGS)". The University of Chicago. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
  3. Healey, J. F. (2003). "Race, Ethnicity, Gender and Class: the Sociology of Group Conflict and Change".
  4. "Department of Gender Studies". Indiana University (IU Bloomington). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Septiyembre 2017. Nakuha noong 1 Mayo 2012. {cite web}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. de Beauvoir, S. (1949, 1989). "The Second Sex".
  6. Garrett, S. (1992). "Gender", p. vii.
  7. Salime, Zakia. Between Feminism and Islam: Human Rights and Sharia Law in Morocco. Minneapolis: University of Minnesota Press, 2011.
  8. Essed, Philomena; Goldberg, David Theo; Kobayashi, Audrey (2009). A Companion to Gender Studies. Wiley-Blackwell. ISBN 978-1-4051-8808-1. Nakuha noong 7 Nobyembre 2011.
  9. Butler, J. (1999). "Gender Trouble: Feminism and the Subversion of Identity", pahina 9, 163–71, 177–8.
  10. Anne-Marie Smith, Julia Kristeva: Speaking the Unspeakable (Pluto Press, 1988)
  11. Griselda Pollock, "Inscriptions in the Feminine" at "Introduction" hanggang sa "The With-In-Visible Screen", nasa loob ng: Inside the Visible pinatnugutan ni Catherine de Zegher. MIT Press, 1996.
  12. Bracha L. Ettinger, "Diotima and the Matrixial Transference: Psychoanalytical Encounter-Event as Pregnancy in Beauty." In: Van der Merwe, Chris N., at Viljoen, Hein, mga patnugot. Across the Threshold. NY: Peter Lang, 2007