Atay
Ang atay (Ingles: liver) ay isang mahalagang organo na makikita sa mga vertebrate at iba pang mga hayop. Marami itong tungkulin sa mga hayop tulad ng detoksipikasyon, sintesis ng protina, at pagbuo ng mga biokimikal na gamit sa panunaw.
Ang atay ay may mahalagang tungkulin sa metabolismo at may maraming ginagawa sa katawan gaya ng pagimbak ng glycogen, pagsira ng mga pulang selula ng dugo, sintesis ng protinang plasma, at detoksipikasyon. Ang atay rin ang pinakalamaking glandula sa katawan ng tao. Nasa baba ito ng diaphragm sa rehiyong thoracic ng tiyan. Gumagawa rin ito ng bile, isang kompawnd na alkaline na tumutulong sa panunaw sa pamamagitan ng emulsipikasyon ng mga lipido. Tungkulin rin nito ang paggawa at pagsaayos ng mga matataas na bolyum ng ganting biokimikal na gumagamit ng mga spesilisadong tissue.[1]
Ang mga terminong medikal na ginagamit sa atay ay kalimitang nagsisimula sa hepato- o hepatic mula sa Griyegong salita para sa atay, hēpar (ήπαρ).[2]
Sanggunian
- ↑ Maton, Anthea; Jean Hopkins, Charles William McLaughlin, Susan Johnson, Maryanna Quon Warner, David LaHart, Jill D. Wright (1993). Human Biology and Health. Englewood Cliffs, New Jersey, USA: Prentice Hall. ISBN 0-13-981176-1. OCLC 32308337.
{cite book}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Ang salitang Griyego na "ήπαρ"a mula hēpaomai (ηπάομαι): na ibig sabihin ay kumpuni. Ibig sabihin, ang hēpar ay nangahuhulugan na kayang makumpuni dahil sa kakayahan ng atay na paggalingin ang sarili kung magkaroon ito ng lesyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.