Poseidon
Sa mitolohiyang Griyego, si Poseidon ang isa sa tatlong naging anak na lalaki nina Kronos at Rhea. Siya ang panginoon at diyos ng karagatan, kaya't mayroon siyang kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng mga lindol. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tinidor, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Neptuno[1][2], at bilang si Nethuns sa mitolohiyang Etruskano. Sa Nethuns hinango ang pangalan niyang Neptuno.[3]
Mayroon siyang pag-aaring isang ginintuang karong pandigma na nakapagpapahinahon at nakapagpapatag ng pisngi ng dagat kapag ipinadaraan niya ito sa ibabaw ng mga katubigan. Bagaman nasa ilalim ng karagatan ang kanyang kaharian at palasyo, ngunit madalas siyang dumalaw sa Bundok ng Olimpus. Batay sa mitolohikong salaysay hinggil kay Poseidon, siya ang nagbigay ng kabayo sa tao.[2]
Mga sanggunian
- ↑ Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Poseidon, Neptune". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907., pahina 107.
- ↑ 2.0 2.1 "Poseidon, Neptune". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 356-357.
- ↑ Krauskopf, I. 2006. "The Grave and Beyond." The Religion of the Etruscans. pinanutnugutan ni N. de Grummond at E. Simon. Austin: Palimbagan ng Pamantasan ng Teksas. p. 59.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.