Senusret I
Senusret I | |
---|---|
Sesostris I | |
Pharaoh | |
Paghahari | 1971–1926 BC (Twelfth Dynasty) |
Hinalinhan | Amenemhat I |
Kahalili | Amenemhat II |
Konsorte | Neferu III |
Anak | Amenemhat II, Amenemhat-ankh, Itakayt, Sebat, Neferusobek, Neferuptah |
Ama | Amenemhat I |
Ina | Neferitatenen[1] |
Namatay | 1926 BC |
Libingan | Pyramid at el-Lisht |
Monumento | White Chapel |
Si Senusret I o Sesostris I o Senwosret I ang ikalawang paraon ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto. Siya ay naghari mula 1971 BCE hanggang 1926 BCE. Siya ang isa sa pinamakapangyarihang mga hari ng dinastiyang ito. Siya ang anak ni Amenemhat I at asawa nitong si Nefertitanen. Ang kanyang asawa at kapatid ay si Neferu. Siya rin ang ina ng kahalali sa tronong si Amenemhat II. Si Senusret ay kilala sa kanyang prenomen na Kheperkare na nangangahulugang "ang Ka ni re ay nalikha".[2] Kanyang ipinagpatuloy ang agresibong mga patakarang pagpapalawak ng kanyang ama laban sa Nubia sa pamamagitan ng pagsisimula ng mga ekspedisyon sa rehiyong ito sa kanyang ika-10 at ika-18 ng paghahri. Kanyang itinatag ang pormal na katimugang hangganan ng Ehipto malapit sa ikalawang katarata kung saan niya inilagay ang garison at isang stela ng pagwawagi.[3] Kanya ring pinangasiwaan ang isang ekspedisyon sa isang Kanluraning disyertong oasis sa disyertong Libyan. Itinatag ni Senusret I ang diplomatikong mga relasyon sa ilang mga pinuno ng mga bayan sa Syria at Canaan. Kanyang ring tinangka na gawing sentral ang istrukturang pampolitika ng bansa sa pamamagitan ng pagsuporta ng mga normako na tapat sa kanya. Ang kanyang pyramid ay itinayo sa el-Lisht. Si Senusret I ay binanggit sa Kuwento ni Sinuhe na nag-ulat sa kanyang muling bumalik sa palasyong maharlika mula sa isang kampanyang militar sa Asya pagkatapos marinig ang asasinasyon ng kanyang amang si Amenemhat I.
Mga sanggunian
- ↑ W. Grajetzki, The Middle Kingdom of Ancient Egypt: History, Archaeology and Society, Duckworth, London 2006 ISBN 0-7156-3435-6, p.36
- ↑ Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames & Hudson Ltd, (1994), p.78
- ↑ Senusret I