Republikang_Tseko

Republikang Tseko
Česká republika (Tseko)
Salawikain: Pravda vítězí
"Nagtatagumpay ang katotohanan"
Awitin: Kde domov můj
"Saan ang tahanan ko"
Location of Tsekya
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Praga
50°05′N 14°28′E / 50.083°N 14.467°E / 50.083; 14.467
Wikang opisyalTseko
KatawaganTseko
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Petr Pavel
• Punong Ministro
Petr Fiala
LehislaturaParlament
• Mataas na Kapulungan
Senate
• Mababang Kapulungan
Chamber of Deputies
Establishment history
• Duchy of Bohemia
c. 870
• Kingdom of Bohemia
1198
• Czechoslovakia
28 October 1918
• Czech Republic
1 January 1993
Lawak
• Kabuuan
78,871 km2 (30,452 mi kuw)[1] (115th)
• Katubigan (%)
2.16 (as of 2022)[1]
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
Padron:IncreaseNeutral 10,827,529[2] (85th)
• Senso ng 2021
Padron:IncreaseNeutral 10,524,167[3]
• Densidad
133/km2 (344.5/mi kuw) (91st)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $539.318 billion[4] (46th)
• Bawat kapita
Increase $49,025[4] (39th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $335.243 billion[4] (47th)
• Bawat kapita
Increase $30,474[4] (37th)
Gini (2020)24.2[5]
mababa
TKP (2021)Increase 0.889[6]
napakataas · 32nd
SalapiCzech koruna (CZK)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Ayos ng petsad. m. yyyy
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+420[a]
Kodigo sa ISO 3166CZ
Internet TLD.cz[b]

Ang Tsekya (Tseko: Česko), opisyal na Republikang Tseko, ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa. Ang Republikang Tseko ay isa sa mga miyembro na Unyong Europeo (EU).

Napapaligiran ito ng mga bansang Polonya sa hilaga, Eslobakya sa silangan, Austria sa timog at Alemanya sa hilagang-kanluran. Ang teritoryo ng Republikang Tseko ay sumasaklaw sa 78 866 kilometro kuwadradong lupain na may pabagu-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 10 milyong mamamayan.

Politika

Sumali ang Tsekya sa NATO noong 12 Marso 1999 at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004.

Ang pinuno ng estado ng Republikang Tseko ay ang pangulo. Karamihan sa kapangyarihang tagapagpaganap ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.

Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang bicameral na Parlament České republiky (Parlyamento ng Republikang Tseko), na may 281 kinatawan. Ang pinakamataas na tagapaghukom ay ang Ústavní soud (Hukumang konstitusyonal), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal.

Pagkakahati

Tatlo na estado (historical lands) ang bumubuo sa Tsekya at ang kani-kaniyang kabisera:

  1. Bohemya, wikang Tseko: Čechy (kabisera Praga)
  2. Morabya, wikang Tseko: Morava (kabisera Brno)
  3. Silesya, wikang Tseko: Slezsko (kabisera Ostrava)

Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Republikang Tseko sa 14 kraj (rehiyon), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod:


Rehiyon    Punong lungsod Populasyon
(2009)

hlavní město Praha Praga 1 233 211
Středočeský kraj Praga 1 230 691
Jihočeský kraj Budweis 636 328
Plzeňský kraj Pilsen 569 627
Karlovarský kraj Karlovy Vary 308 403
Ústecký kraj Ústí nad Labem 835 891
Liberecký kraj Liberec 437 325
Královéhradecký kraj Hradec Králové 554 520
Pardubický kraj Pardubice 515 185
kraj Vysočina Jihlava 515 411
Jihomoravský kraj Brno 1 147 146
Olomoucký kraj Olomouc 642 137
Zlínský kraj Zlín 591 412
Moravskoslezský kraj Ostrava 1 250 255

Tignan din

Mga kawing panlabas

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "Land use (as at 31 December)". Public database. Czech Statistical Office. Nakuha noong 11 May 2023.
  2. "Population of Municipalities – 1 January 2023". Czech Statistical Office. 23 May 2023.
  3. Babala sa pagsipi: Hindi masisilip ang <ref> tag na may pangalang census2021 dahil binigyang-kahulugan ito sa labas ng kasalukuyang bahagi, o di kaya'y wala itong kahulugan.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Czechia)". IMF.org. International Monetary Fund. 10 October 2023. Nakuha noong 11 October 2023.
  5. "Gini coefficient of equivalised disposable income". Eurostat. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 October 2020. Nakuha noong 21 June 2022.
  6. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa Ingles). United Nations Development Programme. 8 September 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 October 2022. Nakuha noong 8 September 2022.

Mga koordinado: 49°45′N 15°30′E / 49.750°N 15.500°E / 49.750; 15.500

Pasilip ng sanggunian

  1. Code 42 was shared with Slovakia until 1997.
  2. Also .eu, shared with other European Union member states.