Aklat ni Mikas
Nevi’im |
---|
Mga Unang Propeta |
1. Yehoshua (Josué) |
2. Shofetim (Mga Hukom) |
3. Shemu’el (Samuel) |
4. Melakhim (Mga Hari) |
Mga Sumunod na Propeta |
5. Yesha’yahu (Isaías) |
6. Yirmeyahu (Jeremías) |
7. Yeḥezkel (Ezequiel) |
8. Ang Labindalawa |
Lumang Tipan ng Bibliya |
---|
|
Ang Aklat ni Mikas[1], Aklat ni Miqueas[2], o Aklat ni Micah[3], ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Mikas, isang kasabayan ni Propeta Isaias.[1][2]
May-akda
Nanggaling si Mikas sa Morasti, o Moreset, na nasa nayon ng Juda sa pook ng Hebron. Namuhay siya noong ika-8 daantaon BK.[1][2][4] May ibig sabihing "Sino ang katulad ng Panginoon?" ang kaniyang pangalan.[2] Hindi siya ang Mikas na anak ni Yemla (o Micaiah, lalaking anak ni Imlah) at nabuhay noong panahon ni Josafat ng Juda at ni Acab ng Israel.[2] Nanghula si Mikas ng Morasti noong mga panahon nina Joatam, Acaz, at Ezequias, ng kaharian ng Juda.[2] Katulad ng kaalinsabay at kapanahon niyang si Isaias, binatikos niya ang kasamaan ng mga mamamayan at mga bulaan o hindi tunay na mga propeta.[2][4] Hinulaan din niya ang bayang pagsisilangan ng tinatawag na Mesias.[2]
Paglalarawan
Naglalaman ang Aklat ni Mikas ng mga panamdam o pahiwatig mula sa Diyos - mga orakulo[5] - na sinasambit sa magkakaibang mga kapanahunan, na pinagsama-sama sa kalaunan ngunit walang kakinisan o kapinuhan sa pagpapalitan mula sa isa patungong isa pang pagpapahiwatig.[4] Katulad ng hula ng propetang si Amos, naniwala si Mikas sa malapit na pagsapit ng pambansang kapahamang daranasin ng kaniyang bansa. Magkakaroon ng kaparusahan mula sa Diyos ang mga tao dahil sa kanilang kawalan ng katarungan, subalit nagtataglay ng mas malinaw at mas mapupunang mga palatandaan ng pagkakaroon ng pag-asa para sa mga maralita.[1] Bagaman tinuligsa ni Mikas ang pagkukunwari at katalipandasan ng mga mamamayan ng Jerusalem at Samaria, hinulaan niya ang darating na dakila at maluwalhating hinaharap ng bayang Israel, kasama ang pagbabalik ng isang maka-David na kaharian.[4]
Mga bahagi
Kapuna-puna sa Aklat ni Mikas ang mga bahaging ito: ang may paglalarawan sa isang "kapayapaang pandaigdig" na nasa ilalim ng paghahari ng Diyos; ang isang hula hinggil sa isang dakilang haring magmumula sa angkan ni David, isang haring maghahatid ng kapayapaan sa bansa; magbubuhat ang mamumunong Mesias mula sa Belen.[4] Nahahati sa tatlong bahagi ang aklat na ito ni Mikas:[2]
Naglalaman pa ang mga natitirang bahagi ng Aklat ni Mikas ng mga karagdagang bala-balaking mga pandamdam (mga orakulo). Kabilang dito ang pangwakas na mga pangungusap na tumatalakay sa tunay na pananampalataya bilang katumbas ng katarungan, kabutihan ng kalooban, at isang pagiging kaisa ng Diyos na may kababaan ng loob.[4]
Kaugnayan sa Bagong Tipan
Matutunghayan sa Bagong Tipan na humalaw ng mga kataga mula sa mga sinabi ni Propeta Makias si Hesukristo. Katulad ng nasa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo: 10, 35-36).[2] Sinipi ni San Mateo para sa kaniyang ebanghelyo sa Bagong Tipan ang hula hinggil sa nabanggit na maghaharing Mesias at iniugnay ito ni San Mateo sa pagsisilang kay Hesus.[4]
Sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Aklat ni Mikas". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
- ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 Abriol, Jose C. (2000). "Aklat ni Miqueas". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
- ↑ Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Micah". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 Reader's Digest (1995). "Micah". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Oracle, orakulo, pandamdam o pahiwatig mula sa Diyos - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Panlabas na kawing
- Aklat ni Micah (Mikas), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Aklat ni Mikas (Miqueas), mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net