Aklat ni Amos
Lumang Tipan ng Bibliya |
---|
|
Nevi’im |
---|
Mga Unang Propeta |
1. Yehoshua (Josué) |
2. Shofetim (Mga Hukom) |
3. Shemu’el (Samuel) |
4. Melakhim (Mga Hari) |
Mga Sumunod na Propeta |
5. Yesha’yahu (Isaías) |
6. Yirmeyahu (Jeremías) |
7. Yeḥezkel (Ezequiel) |
8. Ang Labindalawa |
Ang Aklat ni Amos ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Amos. Ang aklat na ito ni Amos ang unang pahayag ng isang propetang naitala ng buo, walang kakulangan, sa Bibliya.[1] Bumigkas siya ng mga hula noong panahon ng hari ng Judang si Ozias (o Azarias) at ng hari ng Israel na si Jereboam II, noong mga 783 BK hanggang 743 BK.[2] Siya ang "propeta ng katarungang panlipunan."[2]
May akda
Nagmula si Amos sa isang nayon ng Juda.[1][3] Namumuhay siya bilang isang pastol sa Tecua, mga 8 kilometro mula sa Belen.[2][3] Bagaman gayon, sa kaharian siya ng Israel nangaral, noong mga kalagitnaan ng ikawalong daantaon bago dumating si Kristo, na isang kapanahunan ng "kasaganaan, kapansin-pansing pagkamakapananampalataya, at wari bang may katiyakan ang buhay." Lingid sa mga kainamang ito, napuna ni Amos na tanging mga mayayaman lamang ang namumuhay ng masagana sapagkat namamayani ang "kawalang-katarungan at pang-aapi sa mga mahihirap,"[1], "ang kalayawan ng mga maharlikang nasa palasyo," "ang paglabag sa katarungan ng mga hukom," at "pandaraya ng mga mangangalakal."[2] Si Amos ang nakapagmasid sa pagkakaroon ng kawalan ng taos-pusong pagsasagawa ng tuntuning pampananampalataya, at "hindi tunay ang pagkakaroon ng katiyakan."[1] Dahil dito, kaya siya tinagurian bilang ang "propeta ng katarungang panlipunan."[2]
Paksa ng aklat
Sapagkat nagtataglay ng damdaming ng pagmamalasakit at pagiging magiting, nagbigay ng mga pangaral si Amos. Sinabi niya sa mga Israelitang parurusahan ng Diyos ang bansa. Binanggit niyang dapat na pairalin ang katarungan, katulad ng sa "pagdaloy ng isang ilog," na makapagdurulot ng pagkahabag mula sa Diyos.[1]
Mga bahagi
May tatlong pangkat ang aklat o mga hula ng propetang si Amos: una, ang parusa ng Diyos sa Juda at Israel at sa mga karatig bansa (kabanata 1-2); ikalawa, ang babala para sa Israel (kabanata 3-6); at ikatlo, ang pagtatapos ng Kaharian ng Israel at ang hinggil sa sasapit na kaharian ng Manunubos o Mesias (kabanata 7-9).[2]
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Aklat ni Amos". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Abriol, Jose C. (2000). "Amos". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
- ↑ 3.0 3.1 Reader's Digest (1995). "Amos". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.
Panlabas na kawing
- Aklat ni Amos, mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Aklat ni Amos, mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net