Johannes Diderik van der Waals

Johannes van der Waals
Kapanganakan23 Nobyembre 1837(1837-11-23)
Leiden, Netherlands
Kamatayan8 Marso 1923 (edad 85)
Amsterdam, Netherlands
NasyonalidadNetherlands
NagtaposUniversity of Leiden
Kilala saEquation of state, intermolecular forces
ParangalNobel Prize for Physics (1910)
Karera sa agham
LaranganPhysics
InstitusyonUniversity of Amsterdam
Doctoral advisorPieter Rijke
Doctoral studentDiederik Korteweg
Willem Hendrik Keesom

Si Johannes Diderik van der Waals (Olandes: [vɑn dər ʋaːls]; 23 Nobyembre 1837 – 8 Marso 1923) ay isang pisikong teoretikal na Dutch at isang termodinamista na kilala para sa kanyang akda hinggil sa ekwasyon ng estado ng mga gaas at likido. Siya ay pangunahing nauugnay sa ekwasyong van der Waals ng estado na naglalarawan ng pag-aasal ng mga gaas at kanilang kondensasyon sa yugtong likido. Ang kanyang pangalan ay nauugnay rin sa puwersang van der Waals, mga molekulang van der Waals at van der Waals radii. Siya ang unang pisikong propesor ng Unibersidad ng Amsterdam nang ito ay magbukas noong 1877. Siya ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1910.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.