Ang plutonyo, plutonyum, o plutonium[4] (Kastila: plutonio, Ingles: plutonium,daglat o sagisag = Pu) ay isang uri ng mala-pilak na elementong kimikal na may mga katangiang metaliko, at pagka-trans-uranikong elemento. Nalilikha ito sa pamamagitan ng pagpapatama ng mga partikulo sa mga atomo ng uranyo. Mayroon itong 15 isotopo na may masang magula sa 232 magpahanggang 246, at may kalahating-buhay mula magmula 20 minuto magpahanggang 76 milyong taon. Delikadong tumama ito sa utak ng buto ng katawan ng tao sapagkat itinuturing itong isang lasong radyolohiko. Ginagamit ito bilang isang panggatong ng reaktor na nukleyar at maging isang sangkap para sa mga sandatang nukleyar. Magkakapanahong natuklasan ang elementong ito nina G.T. Seaborg, A.C. Wahl, at J.W. Kennedy; ng pangkat nina Edwin M. McMillan at Philip Abelson ng Laboratoryo ng Radyasyon ng Berkeley sa Pamantasan ng California; at ng pangkat nina Egon Bretscher at Norman Feather sa Laboratoryong Cavendish ng Pamantasan ng Cambridge para sa proyetong Tube Alloys, noong 1940. Kabilang sa mga katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong bilang na 94, antas o degri ng pagkatunaw na 639oC, antas o degri ng pagkulo 3,235oC, at tiyak na kalubhaan (tiyak na dagsin o espesipikong grabedad) na 19.8.
Mga sanggunian
↑ 1.01.11.2Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.{cite book}: CS1 maint: date auto-translated (link)