Mayroon din itong atomikong timbang na 20.183, punto ng pagkatunaw (MP o melting point) na 248.67 °C, punto ng pagkulo (BP o boiling point) na 245.95 °C, at V na 0.[10] Bagaman isang napakakaraniwang elemento sa uniberso, bihira ito sa mundo. Isa itong hindi magalaw, walang-kulay, at hindi nakikitang gas sa pamantayang mga kalagayan o kundisyon. Nagbibigay ang neon ng kakaiba at natatanging mamula-mula o naranghalang katingkaran kapag dinaanan ng kuryente[10] at kapag ginamit sa tubong Geissler o tubong pangdiskarga at mga lamparang neon (ilawang neon).[11][12] pangkalakalan (commercial) na nakukuha ito mula sa hangin, kung saan natatagpuan ito sa maliliit o bakas na mga bilang. Ginagamit ito para sa mga ilaw ng neon ng lungsod.[10] Nagmula ang salitang neon sa salitang Griyegong nangangahulugang "bago". Natuklasan ito nina William Ramsay (binabaybay ding William Ramsey[10]) at Morris W. Travers noong 1898.[10]
Hindi ito nagkakaroon ng reaksiyon at hindi sumasanib sa iba pang mga elemento,[10] kaya't matatagpuan nag-iisa o nagsasarili lamang. Bagaman may katangiang maging mapula o narangha kapag dinaanan ng kuryente, umiilaw o nagliliwanag rin ito na may iba't ibang mga kulay. Dahil sa kalidad o katangiang ito ng neon, kaya ito ginagamit sa mga karatula.
↑Shuen-Chen Hwang, Robert D. Lein, Daniel A. Morgan (2005). "Noble Gases". in Kirk Othmer Encyclopedia of Chemical Technology, pages 343–383. Wiley. doi:10.1002/0471238961.0701190508230114.a01.pub2
↑Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN0-8493-0464-4.
↑Ramsay, William; Travers, Morris W. (1898). "On the Companions of Argon". Proceedings of the Royal Society of London. 63 (1): 437–440. doi:10.1098/rspl.1898.0057.