Pulot-pukyutan
Ang pulot-pukyutan[1] (Ingles: honey; Kastila: miel), na binabaybay ding pulut-pukyatan, ay ang pulot na gawa ng mga bubuyog na tinaguriang pukyutan. Tinatawag din ang likas na arnibal na ito sa pangalang pulut-panilan at pulut-ligwan.[1] Ayon kay Jose C. Abriol, ang pulut-pukyutan ay isang sagisag ng malalambing na mga pangungusap.[2]
Ang pulot-pukyutan ay ginagawa at naiimbak ng mga pukyutan para mapangalagaan ang kanilang mga kolonya. Ginagawa nila nito sa pamamagitan ng pagtitipon at pagproseso ng maasukal na mga sekresyon ng mga halaman (lalo sa lahat nektar ng mga bulaklak) o mga sekresyon ng ibang mga insekto, halimbawa Apido spp. Nangyayari itong pagproseso sa loob ng indibidwal na mga bubuyog, sa pamamagitan ng regurgitasyon at ensimatikong aktibidad, at saka habang imbak sa bahay-pukyutan, sa pamamagitan ng tubig ng pagsingaw, na tumututok ng mga asukal ng pulot-pukyutan hanggang nagiging makapal at malagkit.
Sa kanilang pugad, kung saan nag-iimbak sila ng itong pulot-pukyutan, may istruktura, na ginagawa sa pamamagitan ng pagkit, na tinatawag anila. Sa anila, na naglalaman ng daan-daang o libu-libong selula na hugis heksagon, inilalapag ng mga pukyutan ang pulot-pukyutan para sa imbak.
Tinitipon ng pulot-pukyutan para konsumo pantao mula sa ligaw na mga kolonya ng mga bubuyog, o mula sa mga pugad ng mga domestikadong bubuyog. Pinakaalam sa mga tao ang pulot-pukyutan na ginagawa ng mga pukyutan, kundangang komersiyal na produksiyon sa lahat ng mundo. Ang pag-aalaga ng mga bubuyog ay tinatawag na pagbububuyog.
Matamis ang pulot-pukyutan kundangang mataas na konsentrasyon ng mga monosakarido na pruktosa at glukosa. Ito ay halos na kasing tamis ng sukrosa (asukal panglamesa). Iniaalay ng 15 mL (1 tbsp) ng pulot-pukyutan ang halos na 190 kj (46 kcal) ng enerhiya. May naman mabuting kimikal na mga katangian para sa pagluluto at bugtong na lasa kapag ginamit bilang tang-asukalan (sweetener). Hindi puwedeng mabuhay ang karamihan ng mikroorganismo sa pulot-pukyutan kaya pulot-pukyutan (kapag tama na nakaimbak) hindi ay nasisira. Kahit pagkatapos na libu-libong taon, nakakain pa ang mga patikim ng pulot-pukyutan, na tinuklas sa mga arkeolohikong konteksto.
Pagdating sa pulot-pukyutan ng paggawa at paggamit, may mahabang at magkakaibang kasaysayan na nagsisimula sa prehistorya. Ang iba't-ibang mga larawan sa Cuevas de la Araña sa Espanya ay naglalarawan ng mga tao na humahanap ng pulot-pukyutan noong 6000 BK kung hindi mas.
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Pulot-pukyutan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Pulut-pukyutan, talababa para sa Ang Awit ng mga Awit". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 996.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.